Raffy Tulfo, taos-pusong pinasalamatan ang mga subscribers na umabot na sa 19 million

Raffy Tulfo, taos-pusong pinasalamatan ang mga subscribers na umabot na sa 19 million

- Umabot na sa 19 million ang mga subscribers ni Raffy Tulfo sa kanyang YouTube channel

- Binati siya ng kanyang co-host na si Sharee Roman ngayong Marso 8 at ipinaalam na umabot na sa 19 million ang kanilang mga tagasubaybay

- Labis naman na nagpasalamat Tulfo sa lahat ng mga subscribers ng kanyang channel

- Kung wala raw ang mga tagasubaybay na ito ay wala rin umanong Raffy Tulfo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Umabot na sa 19 million ang mga subscribers ni Raffy Tulfo sa kanyang channel na Raffy Tulfo in Action.

Nalaman ng KAMI na ngayong Marso 8, binati siya ng kanyang co-host na si Sharee Roman at sinabi nitong nadagdagan na naman ang kanilang pamilya sa YouTube.

Taos-puso namang nagpasalamat si Tulfo sa lahat ng kanyang mga subscribers na patuloy na nagtitiwala sa kanyang programa.

Read also

Sarah Geronimo, inaming nakabantay ang asawa habang nasa shoot para sa concert

Raffy Tulfo, taos-pusong pinasalamatan ang mga subscribers na umabot na sa 19 million
Raffy Tulfo (Photo from Raffy Tulfo in Action)
Source: Facebook
"Thank you po sa inyong lahat. Ito po 'yung paulit-ulit na sinasabi ko na dahil po sa inyo, meron tayong programa na Raffy Tulfo at dahil po sa inyo pong tiwala, lumalakas at lumalaki po ang ating programa na 'Wanted sa Radyo'.
"Kung wala po kayo, wala pong 'Wanted sa Radyo', wala pong Raffy Tulfo. At 'yun pong inyong pag-join sa ating samahan, RTIA YouTube channel, malaking bagay po ito na nagiging daan upang iyong mga kaso at problema na inilalapit po sa atin, nabibigyan ng solusyon."

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

"Kumikilos po ang kinauukulan dahil nakita po nila iyong pwersa natin na hindi nila basta-basta madisregard yung pwersa na meron po tayo."

"19 million subscribers na tayo, saludo po ako sa inyong lahat," ang pagtatapos sa pahayag ni Tulfo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Cleaning staff ng MRT-3 sa viral video, tuluyan nang tinanggal sa trabaho

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may 19 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Isa sa mga tinututukan ng kanyang mga subscribers kamakailan ay ang mga updates sa kaso ng mag-inang sina Sonia at Frank Gregorio laban sa dating pulis na umano'y pumaslang sa mga ito na si Jonel Nuezca.

Ibinuhos talaga ni Tulfo ang kanyang suporta sa pamilya Gregorio dahil hindi lamang tulong pinansyal ang kanyang naipaabot kundi ang pagbibigay ng abogado na siyang hahawak sa kaso at pati na rin ang pagpapaayos ng tahanan ng mga naiwan ng mag-inang Sonia at Frank.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica