Tindera sa palengke, masuwerteng nabigyan ng pre-debut photoshoot

Tindera sa palengke, masuwerteng nabigyan ng pre-debut photoshoot

- Pinalad ang isang tindera sa palengke sa Pampanga matapos siyang mapili na mabigyan ng makeover

- Nang mapag-alaman ng vlogger at make-up artist na si Richard Strandz na malapit na ang debut ng tindera, naging pre-debut photoshoot ang handog sa kanya

- Bukod sa hair and make-up, may mga nag-sponsor din ng mga damit niya sa photoshoot

- Labis na nagpapasalamat ang tindera dahil hindi niya akalaing mararanasan niya ang magkaroon ng pre-debut photoshoot

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Masuwerte ang tinderang si Angel sa Pampanga nang mapili siya ng hair and make-up stylist at vlogger na si Richard Strandz.

Nalaman ng KAMI na sa dinamirami ng tindera sa palengke na pinuntahan nina Richard at kanyang team, si Angel ang nakapukaw na kanilang atensyon para bigyan ng makeover.

At dahil sa 17-anyos pa lamang si Angel, ipinagpaalam nila ito sa kanyang mga magulang na isinama na rin ni Richard sa makeover.

Read also

Sarah Geronimo, inaming nakabantay ang asawa habang nasa shoot para sa concert

Tindera sa palengke, masuwerteng nabigyan ng pre-debut photoshoot
Photo credit: Richard Strandz
Source: UGC

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Sa mga nauna niyang video pati ang ina ni Angel at nabigyan ng free haircut kaya naman tuwang-tuwa ito.

Nang malaman ni Richard na magde-debut pa lang si Angel sa Oktubre, naisipan niyang hindi lamang makeover ang ihandog dito.

Itinodo na niya ito at ginawang pre-debut photoshoot. Bukod sa hair and make-up na handog ni Richard para kay Angel, may iba pang mga sponsors na kasama si Richard na siyang sumagot sa photoshoot at mga damit na ginamit ni Angel.

Matagumpay na naisagawa ang photoshoot at lumitaw ang natural na ganda ng dalaga lalo na nang maayusan.

Labis itong nagpapasalamat sa vlogger lalo na at dati lamang niyang pinapangarap ang mag-debut at magkaroon ng photoshoot para sa kanyang espesyal na araw.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Ogie Diaz, nagbigay ng payo sa mga artista kaugnay sa mga blind item

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan, nag-viral na rin ang vlog ni Richard Strandz dahil sa isa pa niyang natulungan na si Dennis Pascual. Si Dennis ang 'artistahing' nangangalakal na madalas ding mapadaan sa parlor ni Strandz.

Noong nagkalakas loob siyang kausapin ito, tuloy-tuloy na ang pagtulong niya rito hanggang sa kinupkop na niya ito bilang assistant.

Sumunod na rito ang kanyang vlog tungkol sa noo'y live-in partners pa lang na sina Rommel at Rosalyn na ngayo'y mag-asawa na sa tulong pa rin ni Strandz.

Kilala si Strandz sa kanyang mga make-up at transformation videos. Nito lamang Pebrero 19, umabot na sa 20,000 ang followers niya sa YouTube.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel