Basel Manadil, tinulungan ang palaboy at alaga nitong pusa na lagi niyang nakikita

Basel Manadil, tinulungan ang palaboy at alaga nitong pusa na lagi niyang nakikita

- Isang lalaking palaboy na may alaga ang natulungan ng vlogger na si Basel Manadil

- Lagi raw niya umano itong nakikita na kasa-kasama ang alagang pusa sa isang waiting shed

- Napag-alaman ng vlogger na 'pagpag' o tira-tirang pagkain lamang ang kinakain ng mga ito

- Bukod sa cat food, binigyan din ni Basel ng tulong pinansyal ang palaboy para makauwi na rin ito sa probinsya nila sa Surigao

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isa na namang kababayan nating kapos-palad ang natulungang ng vlogger na si Basel Manadil o mas kilala bilang si The Hungry Syrian Wanderer.

Nalaman ng KAMI na isang lalaking palaboy ang namataan ni Basel na nangangailangan ng tulong.

Kwento pa niya, napansin niyang madalas na nasa waiting shed lamang sa Las Piñas ang lalake na kasa-kasama ang kanyang alagang pusa.

Read also

Basel Manadil, binigyan ng tips ng netizens paano mahuhuli ang nagnakaw sa kanyang resto

Basel Manadil, tinulungan ang palaboy at alaga nitong pusa na lagi niyang nakikita
Basel Manadil (Photo from The Hungry Syrian Wanderer)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Tanging mga tira-tirang pagkain o 'pagpag' lamang ang kinakain ng lalaki at ng kanyang alagang pusa.

Kaya naman naisipan ni Basel na bigyan ng cat food ang lalaki para hindi na ito maghanap pa ng makakain ng kanyang alaga.

Hinandugan din niya ng tulong pinansyal ang palaboy at perang magagamit niya sa pag-uwi sa kanilang probinsya sa Surigao.

Nakakaantig ang bahagi ng video kung saan tumingin pa ang palaboy ng diretso sa mata ni Basel habang siya ay nagpapasalamat sa kabutihang ipinamalas nito sa kanya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Basel Manadil o mas kilala bilang si 'The Hungry Syrian Wanderer' ay sikat na YouTuber na piniling manirahan sa ating bansa.

Kilala siya sa pagtulong niya sa mga Pinoy lalo na at itinuturing na niyang pangalawang tahanan ang Pilipinas. Bukod sa pagiging vlogger, isa ring restaurant owner si Basel na may-ari ng YOLO.

Read also

Basel Manadil, ibinahagi ang CCTV footage ng pagnanakaw sa kanyang restaurant

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Ang pinakabago ngang natulungan ni Basel ay si Jeffrey na at ikinuwento pa nito kung bakit siya napapayag na mag-deliver ng laruan kahit na may kalayuan ang destinasyon.

Bukod sa tulong pinansyal at mga pagkain din para sa mga alagang pusa ni Jeffrey, binigyan din niya ito ng trabaho sa kanyang Korean mart. Sa ganitong paraan, mayroon nang permanenteng pagkakakitaan si Jeffrey na hirap nang makahanap ng trabaho dahil umano sa kanyang edad.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica