Makati Police, pinabubuksan muli ang kaso ni Christine Dacera

Makati Police, pinabubuksan muli ang kaso ni Christine Dacera

- Pinabubuksan muli ng Makati PNP ang kaso ng pagkamtay ng flight attendant na si Christine Dacera

- Ayon sa abogado ng mga akusado, nakatanggap umano sila ng kopya ng naturang mosyon at toxicology report kaugnay sa kaso

- Ngunit diretsahang sinabi ni Atty. Mike Santiago na tila kahina-hinala ang mungkahing ito ng mga awtoridad

- Kinukwestiyon nila umano ang "late submission" ng report mula sa mga awtoridad gayung nalalapit nang ilabas ng Makati Prosecutor’s Office ang resulta base sa mga inihaing imbestigasyon anumang oras

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pinabubukasan muli ng Makati Police ang kaso kaugnay sa pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera.

Ito ay matapos na makitaan ng umano'y traces ng droga ang ang kwarto kung saan naglagi ang flight attendant base sa laboratory test na naisinagawa ayon sa ulat ng GMA News

Read also

Valentine Rosales sa Dacera case: "Ang daming nakikisawsaw sa isyu na ito!'

Nalaman ng KAMI na umalma ang abogado ng mga akusado na si Atty. Santiago sa mosyon na ito ng PNP gayung nalalapit na ang paglabas ng resulta ng preliminary hearing anumang oras.

Makati Police, pinabubuksan muli ang kaso ni Christine Dacera
Christine Angelica Dacera (Photo credit: @xtinedacera)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

“Now that everybody is eagerly waiting for the release of the resolution, all of a sudden, they want the investigation to be reopened, not on the basis of newly discovered evidence, but on the basis of old evidence that is being presented only now,” pahayag ni Santiago.

Ayon sa ulat ng Inquirer, ang ipiniprisentang ebidensya ng mga pulis ay hindi bago kaya hindi na raw ito nararapat pang tanggaping ng prosekusyon.

“The evidence the police are requesting to submit are not even newly discovered. They knew all along that there were results, but they chose not to divulge. These were just old and rehashed evidence,"

Read also

Mga akusado sa Dacera case, maghahain ng counter charges laban sa pamilya ng FA

“Dapat hindi na tanggapin ng prosecutor ito dahil number one, it is misleading, they’re being mislead by the PNP. Let it stay na submitted na for resolution ‘yong kaso,” dagdag pa ni Santiago.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang noong Pebrero 17 tinapos na ng Makati Prosecutor's Office preliminary investigation sa kaso ni Dacera base sa ulat ng PTV news.

Enero 1 nang matagpuang walang buhay sa bath tub ng room 2209 ng City Garden Hotel ang 23-anyos na flight attendant na si Christine Dacera.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kasalukuyang inaakusahang may kinalaman sa pagkamatay nito ang mga kaibigan niyang kasama sa New Year's Eve celebration.

Katunayan, na-detain ang ilan sa mga ito ngunit makalipas ang ilang araw ay napakawalan din dahil sa kakulangan ng ebidensya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica