Melai Cantiveros, dinalaw ang asawang si Jason Francisco sa taping

Melai Cantiveros, dinalaw ang asawang si Jason Francisco sa taping

- Ibinahagi ni Jason Francisco ang mga tagpo sa pagdalaw ng kanyang asawang si Melai Cantiveros sa kanya

- Kasalukuyang nasa locked-in taping si Jason para sa teleseryeng "Owe My Love"

- Dahil sa mga kailangang sunding mga protocols para sa mga naka-locked-in taping, hindi na nakalapit sa isa't-isa ang mag-asawa

- Kahit hindi magkatabi ay marami sa mga tagahanga ng mag-asawa ang kinilig sa kanilang lambingan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Maging si Jason Francisco ay sumubok na ring gumawa ng YouTube content. Habang nasa location ng kanilang locked-in taping, ibinahagi ni Jayson ang pagdalaw sa kanya ng asawang si Melai Cantiveros.

Gayunpaman, dahil bawal siyang lumapit sa asawa, nagkasya na lamang sila sa kanilang mga flying kiss at pag-uusap.

Melai Cantiveros, dinalaw ang asawang si Jason Francisco sa taping
Photo from Melai Cantiveros (@mrandmrsfrancisco)
Source: Instagram

May mga dinalang pasalubong din si Melai. Masayang-masaya si Jason sa Pichi-pichi at cassava cake na binigay ni Melay.

Read also

Sarah Geronimo, inaming nakabantay ang asawa habang nasa shoot para sa concert

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, marami naman sa mga tagasuporta ng tambalang MelaSon ay kinilig at napa-balik-tanaw:

I miss the moment when you and Melai were inside the PBB house specially with baby dengue. I am a solid Melason fan. God bless po always.
Love this couple. Eto pangarap kong pamilya na set up na chill lang. Nakaka iyak yung nagpaalam na at may PBB eviction song sa background.
Grabe super kilig parin ako sa inyo walang kupas solid Melason parin. Super nakakatawa parin panoorin at ang sweet.

Kasalukuyang nasa taping ng teleseryeng "Owe My Love" si Jason kung saan kasama niya ang ilan sa mga artistang gumagawa rin ng mga videos sa YouTube.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Read also

Markus Paterson, kinaaliwan dahil sa kanyang reaksiyon nang maihian ni Baby Jude

Kabilang sa mga vlogger na kasamahan niya sa set ay sina Jelay Andres, Jon Gutierrez, Kiray Celis, Mahal, Migz Molino at Buboy Villar.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Unang nakilala sa mundo ng showbiz si Melai nang hirangin siyang big winner ng Pinoy Big Brother. Dito niya rin nakilala ang kanyang mister sa tunay na buhay na si Jayson Francisco. Sila ay nabiyayaan ng dalawang anak.

Kamakailan, nag-viral ang pagbigay ni Melay ng sasakyan sa asawang si Jason. Ibinahagi ni Jason ang kanyang pasasalamat sa pamamagitan ng pag-post sa kanyang social media account.

Samantala, Itinuturing ni Melai na "best" birthday gift para sa kanya ang video greeting mula sa idolong si Kristine Hermosa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel