Driver at pasahero sa "AirPods issue", bumagsak at pumasa sa lie detector test ng RTIA

Driver at pasahero sa "AirPods issue", bumagsak at pumasa sa lie detector test ng RTIA

- Inilabas na ni Raffy Tulfo sa programa niyang 'Wanted sa Radyo' ang resulta ng lie detector test sa Grab driver at pasahero nito kaugnay sa nawawalang AirPods

- Matatandang lumapit sa programa ni Tulfo ang driver dahil sa pagbabantang ginawa ng partner ng pasahero sa kanya

- Pananakot lamang daw ang ginawa ng partner at wala raw talaga itong balak na saktan ang pamilya ng driver

- GPS umano ang naging basehan ng pasahero kaya naman giit naroon lamang sa loob ng sasakyan ang kanyang "AirPods"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Makalipas lamang ang ilang araw, nailabas na agad ang resulta ng polygraph test o mas kilala sa Pilipinas bilang lie detector test ng Grab driver na si Rommel Abatayo at pasahero niyang si "Xian."

Matatandaang si Rommel ang Grab driver na nag-viral matapos umanong i-post ang pagbabantang ginawa sa kanya ng partner ni Xian dahil sa nawawala nitong 'AirPods.'

Read also

Valentine Rosales sa Dacera case: "Ang daming nakikisawsaw sa isyu na ito!'

Nalaman ng KAMI na high-tech ang ginamit na lie detector test sa dalawa kaya naman hindi nakapagtatakang mabilis ding nailabas ang resulta nito.

Driver at pasahero sa "AirPods issue", bumagsak at pumasa sa lie detector test ng RTIA
Raffy Tulfo (Photo from @raffytulfoinaction)
Source: Instagram

Una munang binuksan ni Tulfo ang resulta ng test na ginawa sa Grab driver.

"Kayo po ay bumagsak, hindi po kayo pumasa!" pahayag ni Tulfo kay Rommel na ang ibig sabihin ay hindi ito nagsasabi ng totoo.

Halos natulala ng ilang segundo ang driver at sinabing wala na umano siyang magagawa dahil iyon na ang resultang lumabas sa test.

Samantala, pumasa naman ang pasahero na si Xian at nangangahulugang nagsasabi ito ng katotohanan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Sa unang pahayag ni Xian, ang kanya lamang basehan umano ng paggiit na nasa sasakyan lamang ni Rommel ang 'AirPods' ay dahil may GPS ito na ang tinutumbok ay ang kinaroroonan ng sasakyan.

Read also

Viral na jeepney driver na namamalimos, "nagkakalog" pa rin makalipas ang 1 taon

Dahil sa resultang ito, hindi na umano tutulong pa si Tulfo sa pagsasampa ng kaso ni Rommel sa partner ni Xian.

Balak pa rin kasi nitong kasuhan ang partner ng naging pasahero kahit nakahingi na ito ng "sorry" sa kanyang nagawa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan halos 19 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Ilang araw matapos na mag-viral ang post tungkol sa pagbabantang natanggap umano ng pamilya ng Grab driver na si Rommel Abatayo dahil sa akusasyong kinuha umano nito ang nawawalang AirPods ng kanyang pasahero ay agad na itong nakarating sa programa ni Tulfo.

Read also

Seller, nasaktan umano ng buyer dahil bike at 'di pala motor ang binibenta nito

Makailang beses na naitampok ito sa programang 'Wanted sa Radyo' dahil sa mabusising proseso na ginawa ni Tulfo upang maibahagi ang katotohanan hanggang sa lumabas na nga ang resulta ng kanilang lie detector test na sagot din ng kanyang programa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica