Isa na namang pulis Maynila, dinukot; Misis, humingi ng tulong kay Raffy Tulfo

Isa na namang pulis Maynila, dinukot; Misis, humingi ng tulong kay Raffy Tulfo

- Humingi ng tulong kay Raffy Tulfo ang kinakasama ng isang pulis Maynila na dinukot noong Pebrero 24

- Nakunan ng CCTV ang aktwal na pagdukot kung saan makikita ang dalawang sasakyan na tila nag-abang sa pulis

- Kasama ng pulis ang misis nito na angkas sa kanyang motor, at nasaksihan ang buong pangyayari

- Wala pa sila umanong makitang dahilan bakit bigla na lamang ang pulis ng mga armadong lalake

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Dumulog na sa programa ni Raffy Tulfo ang misis ni Patrolman Tesoro na dinukot umano ng mga armadong kalalakihan noong Pebrero 24.

Nalaman ng KAMI na nakunan pa ng CCTV ang naturang insidente kung saan kasama pa mismo ng pulis ang kanyang live-in partner.

Idinetalye ni alyas "Anna" ang buong pangyayari noong tanghali nang sapilitang dinukot ang kanyang kinakasama.

Read also

Basel Manadil, binigyan ng tips ng netizens paano mahuhuli ang nagnakaw sa kanyang resto

Isa na namang pulis Maynila, dinukot; Misis, humingi ng tulong kay Raffy Tulfo
Raffy Tulfo (Photo from @raffytulfoinaction)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Galing lamang sila noon sa pamamalengke at papauwi na sana nang biglang humarang ang dalawang sasakyan sa kanila.

Bumaba sa van ang mga armadong lalake na siyang nagpumilit na isakay kay Tesoro sa kanilang sasakyan.

Ayon pa kay Anna, may kasamang babae ang mga armadong lalake na nagpapakalma sa kaya at sinabing huwag umano siyang mangialam sa nangyayari.

Ang masaklap pa rito, binalikan at natangay pa ng grupo ang pouch na ni "Anna" na naglalaman ng nasa Php36,000.

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon lalo na at noong nakaraang linggo lamang, isa ring pulis Maynila ang dinukot habang siya ay naka-duty sa Binondo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Read also

Ina, ibinahagi ang nakakaantig na ginawa ng mga motorista maisalba lang ang buhay ng anak

Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan mahigit 18 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Isa sa mga natulungan din ni Tulfo ay ang pamilya Gregorio, ang naulila nina Frank at Sonia Gregorio na binaril umano ng dating pulis na si Jonel Nuezca.

Patuloy pa rin ang pagtutok ni Tulfo sa kasong ito hanggang sa makamit na ng pamilya Gregorio ang hustisya sa pagkamatay ng kanilang ina at kapatid.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica