FPJ Ang Probinsyano ni Coco Martin, sinasabing magtatapos na ngayong Abril

FPJ Ang Probinsyano ni Coco Martin, sinasabing magtatapos na ngayong Abril

- Matapos ang nasa mahigit limang taon, magtatapos na umano ang isa sa mga long-running action drama TV series, ang FPJ Ang Probinsyano

- Mayroong nakapagsabi na naka-schedule na umano ang final taping ng naturang programa ng Kapamilya network

- Maging ang mga artista ng naturang TV series ay may ideya na sa pagtatapos ng programa

- Matatandang taong 2018 nang maging maugong ang pagtatapos ng Ang Probinsyano, ngunit hindi naman ito natuloy

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Magtatapos na ang isa sa long-running action-drama TV series sa Philippine Television, ang "FPJ, Ang Probinsyano" na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Nalaman ng KAMI na matapos ang mahigit limang taon mula nang una itong maisa-ere noong September 28, 2015, tatapusin na umano ang programa ngayong Abril.

Ayon sa ulat ni Alex Brosas ng Inquirer, isang reliable source umano ang nakapagsabi ng pagtatapos ng programa sa susunod na buwan.

Read also

Cleaning staff ng MRT-3 sa viral video, tuluyan nang tinanggal sa trabaho

FPJ Ang Probinsyano ni Coco Martin, sinasabing magtatapos na ngayong Abril
Coco Martin (Photo credit: Ang Probinsyano)
Source: Facebook

Katunayan, naka-schedule na ang final taping week ng programa kaya naman alam na ng mga artista ng TV series na ito na nalalapit ang pagtatapos nito.

Samantala, matatandaang noong 2018 ay naging maugong din ang pagwawakas ng "FPJ, Ang Probinsyano" na hindi naman natuloy.

Base sa ulat ng ABS-CBN News, tila nagpahiwatig mismo ang bida sa programa na si Coco Martin sa kanyang Instagram post.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Nito lamang Disyembre ng nakaraang taon, sinagot naman ng isa sa mga gumaganap sa nasabing serye na si John Arcilla kung may ideya na ba ito sa kung kailan magwawakas ang programa.

“Hindi ko po alam. Wala pang plano tapusin ni Coco. Magastos talaga and in way, I feel for the producers. Bilib ako sa perseverance at lakas ng loob ng ABS-CBN na talagang sumugal. Imagine lahat ng artista, pati staff and crew ipapa-swab mo in and out. Tapos naka-hotel, ang laki ng gastos. Isang malaking warehouse iyong location namin na tina-transform into different offices. Itatayo na lang iyong interior ng palasyo dito, ‘yung bahay o mansion dito,” pahayag ng aktor sa panayam sa kanya ng Philippine Star.

Read also

Valentine Rosales sa Dacera case: "Ang daming nakikisawsaw sa isyu na ito!'

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Ang “FPJ’s Ang Probinsyano” ay ang TV adaptation ng classic film ni Fernando Poe Jr. na "Ang Probinsyano." Pinagbibidahan ito ni Coco Martin na gumaganap bilang si Cardo Dalisay.

Pinag-uusapan din ngayon si Coco dahil sa pinakaabangang pagtatambal nila ni Angelica Panganiban sa pelikulang "Love or Money" na nakatakdang ipalabas ngayong taon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel