Pagtitipon-tipon ng maraming estudyante na nauwi sa trahedya, ikinasawi ng 5
- Nauwi sa isang malagim na trahedya ang pagtitipon ng maraming estudyante sa isang unibersidad sa Bolivia
- Lima sa mga ito ang agad na nasawi matapos mahulog mula sa ikaapat na palapag ng building
- Ayon sa lumabas na report, nagtipon-tipon ang mga estudyante roon para sa isang assembly hanggang sa bumigay ang isang railing ng gusali
- Kinukwestyon naman ng marami ang pagkakaroon ng assembly gayong mayroong pandemic
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Nauwi sa isang malagim na trahedya ang pagtitipon ng napakaraming estudyante sa El Alto Public University sa Bolivia.
Sa isang video na ibinahagi ng GMA News na kuha ni Carlos Catacora, makikita ang mga estudyante na nagsisiksikan at nagtutulakan sa hallway ng financial sciences ng nasabing unibersidad.
Batay sa lumabas na report, naroon ang mga ito dahil sa isang assembly.
Sa video, makikita nang biglang bumigay ang isang railing ng gusali na sinasandalan ng ilang estudyante.
Hanggang sa nahulog na nga mga ito mula sa ikaapat na palapag ng gusali deretso sa ground floor.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Dahil sa palyadong pagkakakabit ng railing, walo sa mga estudyante ang nahulog. Lima ang naitalang dead on the spot habang tatlo naman ang isinugod sa ospital.
Ayon sa report, nagpahayag na ng pakikiramay ang presidente ng Bolivia na si President Luis Arce.
Samantala, kinukwestyon naman ng marami ang naganap ng pagtitipon-tipon ng mga estudyante gayong mayroong pandemic.
Ayon sa administrator ng unibersidad, hindi nila pinapayagan ang assembly roon at nangakong magsasagawa ng sariling imbestigasyon.
Nag-iimbestiga na rin ang mga pulisya na pinuntahan na rin ang pinangyarihan ng estudyante.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Sa bansa, hindi pa pinapayagan ang pagkakaroon ng face to face classes ang mga estudyante upang makaiwas sa virus.
Bagamat nagkaroon ng dry run ng face to face classes sa ilang lugar ngunit agad ding ipinatigil ni Pangulong Rodrigo Duterte, na una nang naiulat ng KAMI.
Sa isa pang report, inanunsyo ng Department of Education na hanggang July 10 pa ang mga klase sa mga pampublikong paaralan.
Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!
Source: KAMI.com.gh