Kris Aquino, kailangan ang sariwang simoy ng dagat upang mapabuti ang kalagayan

Kris Aquino, kailangan ang sariwang simoy ng dagat upang mapabuti ang kalagayan

- Ibinahagi ni Kris Aquino na kailangan niyang lisanin ang Metro Manila upang mapabuti ang kanyang kalusugan

- Sa ngayon ay naghahanap sila ng magandang lugar sa probinsiya na malapit sa dagat

- Ngunit kailangang may malakas na koneksyon ng internet ang kanilang tutuluyan dahil sa kanyang trabaho

- Hindi niya makakasama ang anak na si Josh dahil mas gusto nitong manatili sa Tarlac

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ibinunyag ni Kris Aquino na kailangan niya ang sariwang simoy ng dagat upang mas mapalakas ang kanyang resistensya.

Kris Aquino, kailangan ang sariwang simoy ng dagat upang mapabuti ang kalagayan
Kris Aquino (Photo credit: @krisaquino)
Source: Facebook

Noong ika-27 ng Pebrero ay ibinahagi ng Queen of All Media sa Instagram ang tungkol sa pananatili ng kanyang panganay na si Josh sa Tarlac. Ayon sa kanya ay nagulat daw siya at tumanggi ito na sumama sa beach sa kanila.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Read also

Sam Pinto, ipinasilip ang bagong condo nila ni Anthony Semerad

May isang netizen na nag-comment sa post ni Kris. Ayon sa kanya ay mas masarap at simple raw ang buhay sa probinsya, kung kaya ay nagustuhan ito ng anak ng TV host-actress.

Sumagot naman si Kris sa nasabing comment, at ikinuwento niya ang tungkol sa binabalak na pag-alis sa Metro Manila at pananatili sa isang lugar kung saan ay malapit sa dagat.

“i agree- my problem is because of my autoimmune i need the sea breeze...”

Ibinahagi rin ni Kris ang tungkol sa paghahanap nila ng mga posibleng lugar kung saan siya pwedeng manatili.

“walang dagat sa Tarlac... my very close friend @mylynpc namroblema rin kasi wala rin namang beach sa Pampanga...
“tumingin kami sa Bataan- umatras ako kasi ang mahal na dun sa development na gusto ko...
“humanap na rin in Pangasinan... obviously comfortable ako sa byaheng NLEX-SCTEX-TPLEX...
“nag consider sa Puerto Galera kasi NAPAKABAIT ni mayor Rocky & everyone we got to know,”

Read also

Nancy Castiglione, binahaging naging mas masaya sa pagbabalik sa Pilipinas

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Ngunit ayon sa dating presidential sister ay isa rin sa mga kinokonsidera nila ay ang koneksyon ng internet sa lugar dahil sa kanyang trabaho.

“pero sorry kung weird- we need very strong WiFi because may scheduled FB postings to fulfill contract obligations & i’ll do a few shoots that will be very big files (mahaba na ‘to- care bears na kayo)”

Ayon kay Kris ay mga sampung linggo silang mananatili sa probinsya upang mas mapalakas ang kanyang resistensya at mabawasan ang kanyang iniindang sakit na chronic urticaria.

“anyway, in 2 weeks we’ll go and hopefully the 10 weeks (or so) of fresh sea air will strengthen my immunity and lessen my chronic urticaria.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Basel Manadil, ibinahagi ang CCTV footage ng pagnanakaw sa kanyang restaurant

Si Kris Aquino ay isa sa mga beteranang TV host-actress sa Pilipinas. Kahit hindi na siya masyadong napapanood sa telebisyon ngayon ay aktibo pa rin ang kanyang career, lalo na pagdating sa endorsements at social media.

Sa ngayon ay ang bunsong anak lang ni Kris na si Bimby ang nasa piling niya. Sa isang naunang report ng KAMI ay ipinaliwanag ni Kris kung bakit nananatili sa Tarlac ang panganay na si Josh. Ngunit kamakailan lang ay dinalaw sila ni Josh at masayang nagkasama-sama ang kanilang pamilya.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Cyril Abello avatar

Cyril Abello (Editor)