Japan to pay families P20M if relative dies from COVID-19 vaccine
- Handa ang Japanese government na magbigay ng halagang 44,200,000 yen o nasa PHP20 million sakaling mamatay ang kaanak dahil sa COVID vaccine
- Bukod pa rito, may funeral assistance din na ibibigay na nagkakahalaga naman ng katumbas PHP95,000
- 5,056,800 yen naman o nasa 2.3 million pesos naman ang maaring ibigay ng Japanese government kung maging long-term disability ang maging resulta ng pagpapabakuna
- Sa ngayon, prayoridad ng Japan ang mga nakatatanda habang at tanging vaccine lamang na mula sa Pfizer ang kanilang inaprubahan
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Handang magbayad ng Japanese government sa sinumang kaanak na mamatayan bilang resulta ng pagpapabakuna kontra COVID-19.
Nalaman ng KAMI na tumataginting na 44,200,000 yen o nasa PHP20 million ang nilaan ng gobyerno ng Japan para rito.
Ayon sa ulat ng Yahoo, bukod sa malaking halagang ito, magkakaroon din sila ng funeral assistance sa parehong dahilan na nagkakahalaga naman ng 209,000 yen o nasa PHP95,000.
Base naman sa LADBible, sakaling magkaroon ng long-term disability ang sinuman na magpapabakuna kuntra COVID-19 ay mabibigyan naman ng 5,056,800 yen o nasa 2.3 million pesos.
Ang mga halagang nabanggit ay kinumpirma mismo ni Japan's Minister of Health, Labor and Welfare Norihisa Tamura, at siya mismo ang nagpaliwanag ng compensation policy sa budget committee ng kanilang House of Representatives.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Sa ulat ng Independent, sinabing kasalukuyan nang nagkakaroon ng limitadong bilang ng vaccine dahil sa kakulangan pa ng supply.
Nilinaw din nilang uunahin ang mga matatanda na mabigyan ng bakuna at tanging Pfizer lamang ang kanialng inaprubahang ipamahagi sa kanilang mamamayan. Plano nilang masimulan na ito pagpatak ng buwan ng Abril.
Inaasahang hindi pa makukumpleto ang ilalaang vaccine sa Japan pagdating pa ng Mayo ng kasalukuyang taon.
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Samantala, naiulat kamakailan ang pahayag ng European Union's disease control agency kung saan maari pa rin umanong magtagal ang pagkalat pa rin ng COVID-19 sa kabila ng pagkakaroon ng vaccine.
Kaya naman sa Pilipinas, hindi pa rin inaalis ang community quarantine bilang pag-iingat sa nasabing virus lalo na at wala pa rin umanong nakararating na vaccine sa bansa.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh