Willie Revillame proud lolo sa baby ni Meryll Soriano kay Joem Bascon

Willie Revillame proud lolo sa baby ni Meryll Soriano kay Joem Bascon

- Ibinahagi ni Willie Revillame na proud siyang lolo sa baby nina Meryll Soriano at Joem Bascon

- Sinabi ng TV host na gusto niyang lumaki si baby Gido at ibang mga apo na parang kaibigan o kabarkada ang turing sa kanya

- Ibinunyag rin ni Kuya Wil na sa ngayon ay cash para sa mga pangangailangan ng sanggol ang kanyang kadalasang inireregalo dito

- Matatandaang naibunyag ang tungkol sa panganganak ni Meryll sa anak nila ni Joem noong Bagong Taon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Masayang masaya si Willie Revillame ngayon dahil sa bagong apo na si baby Gido, ang anak nina Meryll Soriano at Joem Bascon.

Willie Revillame proud lolo sa baby ni Meryll Soriano kay Joem Bascon

Willie Revillame (Photo credit: @willrevillame)
Source: Instagram

Sa press conference ng Shopee’s 3.3-4.4 Mega Shopping Sale nitong Lunes, ika-22 ng Pebrero, ay sinabi ni Kuya Wil na excited siya na mas makasama pa ang kanyang apo.

Mayor Sara Duterte nanindigang hindi tatakbo sa pagka-pangulo sa 2022
“Iniisip ko ito yung mag-aalaga sa akin .
“Bilang lolo, gusto ko parang kaibigan, kabarkada ko lang yung mga apo ko.
“Kung ano yung nakikita mo sa TV, gusto ko ganun. Yung iniinis mo. Ayun ang gusto ko.” Paglalahad ng TV host sa Manila Bulletin Lifestyle.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ayon rin sa proud lolo, dahil sa hindi niya kabisado ang mga pangangailangan ni baby Gido ay binibigyan na lang niya ng cash ang mommy nito bilang pasalubong o regalo niya.

“Hindi ko kasi masyadong kabisado kung ano yung kailangan niya. Si Meryll yung binibigyan ko ng pera pambili ng kailangan niya.” sabi ni Willie.
“Brief siguro tsaka lampin kasi iyon ang kailangan ng bata. Mga diaper kasi bata siya ngayon
“Pero in the future syempre, kung anuman ang meron ako ngayon sa kanila din naman mapupunta yun di ‘ba? Sa pamilya ko, kila Meryll, sa mga anak nila. Sa ngayon lampin at mga tsupon.” patuloy niya.
Gerald Anderson, hindi direktang makasagot kung may girlfriend na ba ito

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Matatandaang itinago nina Meryll at Joem ang tungkol sa kanilang pagbabalikan at ang panganganak ng aktres noong nakaraang taon.

Nabunyag lamang ang tungkol sa mga ito noong ika-1 ng Enero nang mag-post si Meryll ng isang litrato kung saan ay kasama niya si Joem at may karga siyang isang sanggol. Sa panahong iyon ay hindi pa siya nagbigay ng ano mang detalye tungkol sa sanggol.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Willie Revillame ay isang beteranong TV host sa Pilipinas. Sikat ang kanyang variety show na “Wowowin” dahil sa marami itong natutulungan.

Sa naunang ulat ng KAMI ay sinariwa ni Willie ang mga panahon kung kailan ay nagsisimula siya bilang sidekick ni Randy Santiago. Minsan rin niyang pinuri si Coco Martin dahil sa pagiging mapagpakumbaba nito.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel