Willie Revellame, hindi makalimutan ang pagpapakumbaba ni Coco Martin

Willie Revellame, hindi makalimutan ang pagpapakumbaba ni Coco Martin

- Matapos makatanggap ng mga pagbati mula sa mga kasamahan sa showbiz, pinasalamatan ni Willie Revillame ang mga bumati sa kanya

- Kabilang na si Coco Martin sa bumati sa kanya at iba pang mga Kapamilya artists na dati niyang nakasama

- Muling sinariwa ni Willie ang pagpunta ni Coco noon sa kanya para makilala siya at sabihing idolo niya ang TV host

- Hindi umano makakalimutan ni Willie ang pagpapakumbabang ginawa ni Coco kahit noong hindi pa siya ganoon ka sikat

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pinasalamatan ni Willie Revillame ang mga artistang bumati sa kanya para sa kanyang kaarawan. Kabilang sa mga ito si Coco Martin at iba pang Kapamilya artists na dati niyang nakasama.

Habang nagpapasalamat ay sinariwa ni Willie ang pagpunta noon ni Coco sa bahay niya sa Tagaytay para lang makilala siya.

Carla Abellana inaming hindi sila parating sweet ni Tom Rodriguez

Hindi umano niya makakalimutan ang pagpapakumbaba noon ni Coco.

Willie Revellame, hindi makalimutan ang pagpapakumbaba ni Coco Martin

Photo from Coco Martin (@cocomartin_ph)
Source: Instagram

“A humble guy, Coco Martin. Isipin mo, hindi pa siya ‘Ang Probinsyano’ noon pero there was a time gusto lang niya ako ma-meet. Hindi ko makakalimutan ‘yun, Coco, nagpakumbaba ka sa akin".

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bukod sa nais umano siyang makilala ni Coco, tumingin din ito ng mga furniture at garden ni Willie.

“Gusto mo lang ako makilala at gusto mong makita yung bahay ko sa Tagaytay at gagayahin mo ‘yung mga furniture at di ba tinanong mo sa akin kung sino ang nag-garden niyan, nag-landscape?

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Kilala si Willie Revillame bilang isa sa pinakamayayamang artista. Kilala bilang game show host. Ilan sa mga sumikat niyang shows ay Willingly Yours, Masayang Tanghali Bayan, Wowowee, Willing Willie, Wil Time Bigtime , at Wowowillie. Pinasok din niya ang pagrerecord ng mga awitin.

Francine Diaz, sinorpresa ng Gold Squad sa kanyang kaarawan

Dahil sa tema ng kanyang mga TV show, naging takbuhan siya ng maraming nangangailangan ng tulong lalo na tungkol sa pinansiyal. Kamakailan, ibinenta niya ang mamahalin niyang sasakyan upang makalikom ng perang ibabahagi niya sa mga taong apektado ng pananalanta ng bagyo.

Nagbigay din siya ng tulong sa Mayor na Marikina at personal niya itong iniabot. Nagpapasalamat umano siya na sa kabila ng mga dumaang kalamidad ay ligtas siya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel