Francine Diaz, sinorpresa ng Gold Squad sa kanyang kaarawan

Francine Diaz, sinorpresa ng Gold Squad sa kanyang kaarawan

- Isang sorpresa ang inihanda ng Gold Squad para sa kaarawan ng kaibigang si Francine Diaz

- Inihanda nina Kyle Echarri, Andrea Brillantes at Seth Fedelin ang kanilang sorpresa para sa kaibigan

- Ipinagdiwang ng Kapamilya actress ang kanyang ika-17 kaarawan noong November 27

- Sumikat si Francine sa kanyang pagganap bilang si Cassy sa teleseryeng "Kadenang Ginto"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa pagdiriwang ng kanyang ika-17 kaarawan, isang sorpresa ang inihanda ng Gold Squad para kay Francine Diaz. Bukod sa pag-aayos ng set-up para sa surprise, may mga sulat din sina Andrea Brillantes, Seth Fedelin at Kyle Echarri para sa kanya.

Hindi naman maitago ni Francine ang kanyang kasiyahan sa pagsorpresa sa kanya ng mga kaibigan. Aniya, ngayon niya lang naranasan na may magsorpresa sa kanya sa kanyang kaarawan.

Hindi naman natapos basahin na dalaga ang mga sulat dahil aniya, naiiyak siya kapag nagbabasa siya ng mga sulat kaya napagpasyahan niyang sa bahay na lang umano basahin ang mga mensahe.

American senior citizen, natutulog na lamang sa NAIA matapos umanong maloko
Francine Diaz, sinorpres ng Gold Squad sa kanyang kaarawan

Francine Diaz (@francinesdiaz)
Source: Instagram

Bukod sa mga pagbati mula sa mga kaibigan, personal na pumunta si Angeline Quinto para maghatid ng cake at batiin si Francine.

Si Kim Chiu na nakatrabaho niya sa Bawal Lumabas TV Mini-Series ay nagpaabot din ng kanyang pagbati at birthday wish para sa dalaga.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kahit tapos na ang kanilang teleseryeng Kadenang Ginto ay marami sa mga tagahanga nila ang natuwa sa pagkakaibigan ng apat na tuloy-tuloy pa rin.

Francine and Kyle's friendship remains lowkey na talaga. They are much lowkey as they grow older. Kyle's letter proves so much that they are more than you think na nakikita natin in public.
Si Chin yung typical girl na kapag binabasa yung letter ng crush nya for her eh tatawa tawa lang para di mahalata yung totoong nararamdaman.
Pauleen Luna, ibinahagi ang nakakakilig na reaksiyon ni Vic Sotto sa kanilang kasal
How can you not love this girl? A girl who always wanted the best for her family. A girl who put others before herself. A humble one, gorgeous, sexy, witty and kind. Indeed, Francine Diaz is a blessing

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sila Kyle Echarri at Francine Diaz ay unang itinambal sa teleseryeng Kadenang Ginto kung saan nabuo ang tambalang kung tawaging ay "KyCine" na mula sa pinagsamang pangalan ng dalawa.

Sa nabuong tambalan, napalapit na rin sila sa pamilya ng bawat isa. Inamin ni Francine na nakasama niya nang mag-lunch ang pamilya ni Kyle.

Ilang beses na ring naitatanong sa kanilang dalawa kung ano na nga ba ang tunay na namamagitan sa kanilang dalawa at palagi nilang sinasabing sila ay malapit na magkaibigan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel