Pangulong Duterte, dumalaw sa libingan ng mga magulang sa Davao

Pangulong Duterte, dumalaw sa libingan ng mga magulang sa Davao

- Dinalaw ni Pangulong Rodrigo Duterte ang libingan ng mga magulang sa Davao City kamakailan

- Ito ay ibinahagi sa Facebook post ni Senator Bong Go na kilalang malapit sa pangulo

- Ayon sa FB post, malaking inspirasyon ni Pangulong Duterte ang mga magulang sa kanyang pagiging lingkod-bayan

- Ilang larawan din ang ibinahagi sa post na ito kung saan makikitang hinalikan ni Pangulong Duterte ang puntod ng mga yumaong magulang

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Dinalaw ni Pangulong Rodrigo Duterte ang libingan ng mga magulang sa Roman Catholic Cemetery sa Davao City nito lamang February 21, 2021.

Ito ay ibinahagi sa Facebook page ni Senator Christopher "Bong" Go na kilalang malapit sa pangulo.

Ayon sa FB post, malaking inspirasyon ni Pangulong Duterte ang mga magulang sa kanyang pagiging lingkod-bayan.

Pangulong Duterte, dumalaw sa libingan ng mga magulang sa Davao
Photo: Senator Bong Go
Source: Facebook

"SENATOR BONG GO, SINAMAHAN SI PANGULONG DUTERTE SA PAGDALAW SA LIBINGAN NG KANYANG MGA MAGULANG SA DAVAO CITY

Read also

Maine Mendoza, kinaaliwan sa kanyang ibinahaging throwback picture

"Sinamahan ni Sen. Bong Go si Pangulong Duterte sa pagdalaw sa libingan ng kanyang mga magulang sa Roman Catholic Cemetery sa Davao City bago sila lumipad pabalik ng Maynila nitong Feb 21.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

"Sabi ni Kuya Bong Go, malaking inspirasyon para kay Tatay Digong ang buhay ng kanyang mga magulang sa kanyang pagiging lingkod-bayan para sa bawat Pilipino," ayon sa post.

Ilang larawan din ang ibinahagi sa post na ito kung saan makikitang hinalikan ni Pangulong Duterte ang puntod ng mga yumaong magulang.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Si Rodrigo Roa Duterte o mas kilala bulang ‘Digong’ o ‘Rody’ ay ang panglabing anim na presidente ng Pilipinas. At kauna-unahan na galing sa Mindanao. Sa edad niyang 71, siya na ang pinaka matandang naging president ng Pilipinas. Si Digong din ang isa sa may pinakamahabang taon ng serbisyo sa pagiging Mayor ng Davao City na may 7 termino o 22 taon sa serbisyo.

Read also

Basel Manadil, umani ng papuri sa ginawang pagtulong sa tindera ng tubig

Samantala, kamakailan lang ay naibalita na aprubado na ni Pangulong Duterte ang rekomendasyon na isailalim na sa MGCQ o Modified General Community Quarantine ang buong bansa simula sa March 1.

Naging kontrobersyal naman ang naging pahayag ng pangulo tungkol sa usapin sa prangkisa ng ABS-CBN. Ang aktor na si Enchong Dee, 'di napigilang mag-react dito.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Annie Symone avatar

Annie Symone