Babaeng di pinaniniwalaang siya ay PWD, ipinaliwanag ang kanyang kalagayan

Babaeng di pinaniniwalaang siya ay PWD, ipinaliwanag ang kanyang kalagayan

- Viral ngayon ang post ng netizen na isa umanong PWD ngunit madalas na hindi pinaniniwalaan

- Mukha umanong malusog at walang anumang karamdaman at kakulangan ang babae kaya naman hindi umano siya paniwalaan

- Dahil dito, ipinaliwanag niya ang kanyang kalagayan at sinabing sa kabila ng kondisyon ay marami pa rin siyang kayang gawin

- Aminado siyang pagod na sa pagpapaliwanag subalit patuloy pa rin niyang ginagawa upang ipaunawa sa iba ang sitwasyon ng tulad niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ngayon sa social media ang post ni Afrelle Rose Aquino na isa umanong 'person with disability' (PWD).

Nalaman ng KAMI na madalas umanong hindi paniwalaan si Afrelle tungkol sa kanyang kalagayan kaya kahit napapagod na raw siya sa kakapaliwanag ay ginawa pa rin niya ito.

Ayon kay Afrelle, psychosocial disability ang kanyang kalagayan dahil dumaranas siya ng depresyon.

Read also

Congressman, literal na bumaliktad sa kanilang virtual hearing

Babaeng di pinaniniwalaang siya ay PWD, ipinaliwanag ang kanyang kalagayan
Photo from PxHere
Source: Getty Images

Subalit dahil sa mukha siyang maayos, malusog at tila walang anumang karamdaman o kakulangan, hindi siya pinaniniwalaang PWD siya.

"Naiintindihan ko naman, mahirap naman talaga paniwalaan na ang isang katulad ko na madaming tattoo, piercings, nagbabanda, isang piercer, malusog at masiglang tao ay magkakaron ng ganitong kondisyon," ani Afrelle.

Ayon pa kay Afrelle, napapagod na umano siyang magpaliwanag ng kalagayan ng tulad niya subalit patuloy pa rin niyang gingawa para na rin sa ibang mayroon din kondisyon na kagaya niya subalit walang boses para ipaunawa ang kanilang pinagdaraanan.

"At bago ninyo sabihin na ang depresyon ay gawa gawa lang ng isipan, kawalan ng pananalig o pananampalataya at pagiging mahina? Ipinapanalangin ko na sana ay hindi niyo maranasan ang dinadanas namin at kung sakalaing pagdaanan niyo, wala sanang magsabi sa inyo na "nasa isip mo lang yan", paliwanag ni Afrelle.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Read also

Mister na inayawan dahil "batugan," liligawan daw muli ang nagreklamong misis

Nilinaw din niya na hindi nangangahulugan na PWD siya ay wala na siyang maaring magawa. Katunayan, isa pa nga siyang bokalista ng banda na humaharap sa maraming tao kahit pa kasama sa kondisyon niya ang ayaw sa malaking bilang ng mga tao.

"Paglilinaw lamang, ang PWD ay "person with disability" at hindi "person with no ability. Sa tagalog ay taong may karamdaman, hindi taong walang kayang gawin,
"Isa akong PWD sa ilalim ng kategoryang psychosocial disability. Takot ako sa crowds pero kaya kong kumanta sa stage, ilag ako sa mga tao pero kaya kong magtrabaho, ayaw ko ng phone calls, madalas ako magover think, kaya kong di matulog ng tatlong araw, mataba ako pero sakitin ako dahil sa pagbagsak ng immune system dala ng depression, coping mechanism ko ang tattoo at piercings. May karamdaman lang pero madami pa ding kayang gawin," buong tapang niyang ipinahayag.

Dahil sa makabuluhang mensahe na naibahagi ng PWD, umano ng nasa 14,000 ang mga positibong komento ng kanyang post.

Read also

Valentine Rosales ng Dacera case, emosyonal sa dami ng birthday greetings na natanggap

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan ay nag-viral din ang isang PWD na naglalako ng saging matapos siyang mabayaran ng pekeng pera. Dahil kasi sa kanyang kondisyon, nagawa pa siyang malinlang ng kanyang kapwa.

Noong nakaraang taon, isa namang PWD na hindi umano nabigyan ng relief goods ang nagawang mag-live habang sinasaktan daw siya ng mga tao sa barangay.

Magbigay kamalayan nawa sa atin ang mga karanasang ito ng kababayan nating PWD na madalas na makaranas ng diskriminasyon.

Bilang kapwa Pilipino at kapwa tao, laging isapuso ang pagmamalasakit at pag-unawa lalo na ang paggabay sa mga taong higit na nangangailangan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica