PWD na 'di nabigyan ng relief goods, nag-live habang sinasaktan sa barangay

PWD na 'di nabigyan ng relief goods, nag-live habang sinasaktan sa barangay

- Hindi raw nabigyan ng relief goods ang lalaking nagpakilalang isang person with disability o PWD sa Barangay Rizal sa Dinalupihan, Bataan

- Pinaglabas umano sila ng upuan ng kanilang barangay at sumama raw ang loob niya nang hindi nalagyan ang kanyang upuan

- Ito raw ang naging dahilan kung bakit sa Facebook siya naglabas ng saloobin

- Nakarating daw sa kinauukulan ang naturang post kaya siya ay sinundo at dinala sa barangay

- Ipinaliwanag ng kanilang kapitan na nagkataong naubusan lamang daw noon ng dalang relief ang mga namimigay ngunit agad na bumalik ngunit wala na raw ang silya ng lalake

- Pumirma na rin ang lalake sa barangay na magpa-public apology na ito sa kanyang nagawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Masama ang loob ng isang person with disability o PWD sa Barangay Rizal sa Dinalupihan, Bataan dahil sa hindi na nga umano siya nakatanggap ng relief goods, mabugbog pa di umano siya ng ilang tao sa kanilang barangay.

Nakapanayam ni Katrina Son ng GMA News ang lalaki idinetalye nito ang pangyayari.

Nagpalabas daw kasi ng upuan ang kanilang barangay upang malagyan sila ng relief goods.

Hindi nalagyan ang upuang kanyang inilabas na labis na ikinasama ng kanyang loob.

Dahil dito, sa Facebook niya ibinuhos ang galit na kanyang nararamdaman ng mga oras na iyon lalo pa at iyon na lamang daw ang inaasahan niyang pagkain sa araw na iyon.

Nakarating ito sa kinauukulan kaya naman sinundo siya ng ilang tao at dinala sa kanilang barangay.

Doon mas uminit ang tagpo lalo na nang sinubukan pa umano ng lalaki na mag-Facebook Live habang kausap niya ang ilang tauhan ng barangay.

Paliwanag naman ng Barangay Chairman na si Jesus Matitu, naubusan lamang umano sila ng stock ngunit bumalik naman sila agad upang mamigay ulit kaya walang katotohanan ang paratang ng PWD na hindi siya binigyan.

Pahayag pa ng kapitan, pinagmumura pa umano sila ng lalaki nang makarating ito sa barangay.

Kalaunan, sinabi na lamang daw nito mag-public apology at pumirma naman daw ang lalaki sa napagkasunduan.

Inamin din nito na mayroon siyang psychosocial disorder at sadyang madaling magalit.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, nagbigay babala naman ang mga DILG sa pagbibigay ng ayuda ng local governemt units tulad ng pamimigay na ginawa sa barangay na kinabibilangan ng PWD.

Wala raw dapat na pinipili o inuuna sa pamimigay lalo na kung walang voter's ID na maipakita o hindi botante ng naturang lugar. Pakiusap nilang huwag na munang haluan ng politika ang pagpapaabot ng tulong sa mga nangangailangan sa panahon ng pandemya.

Kasalukuyan nang 3, 870 ang huling tala ng Department of Health ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa. Nagbibigay pag-asa naman ang patuloy na pagdami ng nakaka-recover.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Some simple, but very important hacks for those, who have the opportunity to work remotely.

9 Hacks: How To Be Effective When Working From Home | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Online view pixel