Chef Jose Sarasola inaming na-bash dahil sa relasyon nila ni Maria Ozawa

Chef Jose Sarasola inaming na-bash dahil sa relasyon nila ni Maria Ozawa

- Chef Jose Sarasola nagbahagi na may mga natanggap siyang negatibong komento tungkol sa relasyon nila ni Maria Ozawa

- Si Maria ay kilalang dating adult film star kung kaya ay hindi maiwasang may mga nanghuhusga sa kanya

- Sinabi ng chef na hindi niya trinatrato ang girlfriend bilang isang international star kundi bilang kung sino siya

- Ipinagdiwang ng magkasintahan ang pang-apat na anibersaryo ng kanilang relasyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ibinunyag ni Chef Jose Sarasola na nakatanggap siya ng maraming negatibong komento simula nang naging sila ni Maria Ozawa, isang Japanese actress at dating adult film star.

Chef Jose Sarasola inaming na-bash dahil sa relasyon nila ni Maria Ozawa
Chef Jose Sarasola (Photo credit: @chefjosesarasola)
Source: Instagram

Sa episode ng "Tunay na Buhay" nitong Huwebes, ika-18 ng Pebrero, ay naging bukas si Jose tungkol sa buhay pag-ibig niya.

“It was really hard. Name it, lahat ng mga bashing, crude, negative comments nakuha ko,”

Read also

Iza Calzado, tinanong ni Tia Carrere kung paano manood ng ‘Ang Sa ‘Yo ay Akin’

Dagdag pa niya ay minsan sinasagot pa niya ang mga ito.

“Sometimes I would answer back sa mga negative comments, sa mga nagba-bash sa amin, but then my friends were saying, ‘alam mo the more you answer back to this people, you’re making them win and be happy eh,’’ sabi ng celebrity chef.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Pero lagi naman siyang dinadamayan ni Maria sa sitwasyon niya.

“I felt really sorry for Jose,” sabi ni Maria.
“We kinda, like, set it aside. If we were happy then who cares about the other people.” dagdag niya.

Sinabi rin ni Jose na kaya nagtagal ang kanyang relasyon kay Maria ay dahil hindi niya ito trinatong ‘the star’.

“I didn’t treat her as Maria Ozawa, the international star. I treated her like Maria Ozawa, the person who she really is inside,” paglalahad ni Jose.

Read also

Lea Salonga, inaming isa siyang avid fan ng K-Pop group na BTS

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kahit sa likod ng mga bashing na natatanggap nila ay ipinagdiwang ng magkasintahan ang kanilang pang-apat na anibersaryo nitong ika-15 ng Pebrero.

Kahit na ipinagdiwang nila ito ng magkahiwalay dahil mas pinili ni Maria Ozawa na manatili sa Japan ay hindi naman naitago ng aktres ang sobrang kasiyahan nito.

“I’m sure this is your first time going out with someone for four years and I’m happy it’s me. I really miss you. I hope I can see you very, very soon. Sana this year,” sabik na sabi ni Maria.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Jose Sarasola ay isang celebrity chef, actor, at model sa Pilipinas. Dati siyang naging kalahok ng ABS-CBN reality show na "Pinoy Fear Factor". Ipinanganak siya sa Spain pero konti lang ang nalalaman tungkol sa kanyang pribadong buhay.

Read also

Bianca Umali, binansagang ‘epic-serye princess’ ng GMA-7

Tatlong taon ang nakakaraan ay nag-trending si Maria Ozawa nang magreklamo siya kay Raffy Tulfo dahil sa pangha-harass ng isang Uber driver. Hindi kalaunan ay nag-sorry ang sinasabing driver sa aktres, at tinanggap naman ito ni Maria.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel