Iza Calzado, tinanong ni Tia Carrere kung paano manood ng ‘Ang Sa ‘Yo ay Akin’

Iza Calzado, tinanong ni Tia Carrere kung paano manood ng ‘Ang Sa ‘Yo ay Akin’

- Nagpost si Iza Calzado ng trailer ng kanyang ongoing teleserye na “Ang Sa’Yo Ay Akin”

- Isa sa mga nagkomento dito ay walang iba kundi ang Hollywood actress na si Tia Carrere

- Naging interesado ang banyagang aktres sa palabas at tinanong niya si Iza kung papaano makakapanood

- Isang fan ni Iza na nasa Canada ay nagbigay ng payo kung papaano niya mapapanood ang teleserye

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naging interesado ang Hollywood actress na si Tia Carrere sa Kapamilya Serye na “Ang Sa ‘Yo ay Akin” na pinagbibidahan nila Iza Calzado at Jodi Sta. Maria.

Iza Calzado, tinanong ni Tia Carrere kung paano manood ng ‘Ang Sa ‘Yo ay Akin’

Iza Calzado (Photo credit: @missizacalzado)
Source: Instagram

Nitong Biyernes, ika-12 ng Pebrero, ay ipinost ni Iza ang teaser video ng “Ang Sa ‘Yo ay Akin” sa Instagram.

Nagkomento si Tia rito at tinanong si Iza kung paano mapapanood ang serye mula sa Amerika.

Lea Salonga, inaming isa siyang avid fan ng K-Pop group na BTS
“Can I see this on YouTube in US? Looks so fun!” sabi nito.

Sobrang saya ni Iza nang malaman niyang interesado si Tia sa serye. Sinagot niya ito:

“OMG! You are the best! Wait let me ask How. I think you can Watch thru the @iwanttfc app. Ummmm maybe they can send you free subscription. Guyssssss THE Tia Carrere wants to watch. Love you mucho! (heart emoji)”

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

May isang fan din ni Iza na nakabase sa Canada na siyang nag-advice kay Tia kung pano niya mapapanood ang serye sa North Amerika.

Sinabi ng netizen na pwedeng-pwede i-download ng Hollywood actress ang iWantTFC app dahil may mga libreng episodes ito ng mga serye para sa mga subscribers nito.

May dugong Pinoy ang aktres na si Tia Carrere na Hawaii-born at dalawang beses nang nanalo ng Grammy Award.

Bianca Umali, binansagang ‘epic-serye princess’ ng GMA-7

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Taong 2015 nang nagkatrabaho sina Tia at Iza sa International Action Film na “Showdown Manila”. Ang direktor ng nasabing pelikula ay si Mark Dacascos na isang American director at martial artist.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Iza Calzado ay isa sa mga batikang aktres ng ABS-CBN. Una siyang sumikat sa GMA-7 kung saan ay naging bida siya ng sikat na “Encantadia”.

Sa isang ulat ng KAMI ay ibinahagi ni Iza ang pasasalamat niya para sa kaibigang si Sunshine Dizon na gumanap na director niya sa “B&B: The Story of the Battle of Brody and Brandy”.

Hindi lang magaling na aktres si Iza kundi mapagpakumbaba pa. Sa katunayan ay naging masaya pa siya para kay Charlie Dizon nang talunin siya nito para sa Best Actress Award sa Metro Manila Film Festival 2020.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel