Julia Montes, nagpahiwatig na si Coco Martin ang kanyang tipo ng lalaki

Julia Montes, nagpahiwatig na si Coco Martin ang kanyang tipo ng lalaki

- Sumalang si Julia Montes sa Lie Detector Challenge sa vlog ng asawa ni Dimples Romana na si Boyet Ahmee

- Ang mga katanungan na ipinukol sa Kapamilya actress ay tungkol sa kanyang tipo ng lalaki

- Kahit palaging naga-ground ay mapapansin sa mga sagot ni Julia na mga katangian ni Coco ang kanyang mga gusto

- Kahit mga netizen ay nagsasabi na halatang si Coco ang sinasabing ideal guy ni Julia

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kumasa si Julia Montes sa Lie Detector Challenge sa vlog ni Boyet Ahmee, ang asawa ni Dimples Romana at base sa mga sagot niya ay mukhang si Coco Martin nga ang kanyang tipo ng lalaki.

Julia Montes, nagpahiwatig na si Coco Martin ang kanyang tipo ng lalaki

Julia Montes (Photo credit: @montesjulia08)
Source: Instagram

Nagkaroon si Julia ng guest appearance kamakailan lang sa vlog ni Boyet at sumalang siya sa isang Lie Detector Challenge. Tinanong siya tungkol sa tipo niyang lalaki.

Anna Karenina star Kim Delos Santos, dinayo si Maine Mendoza sa Eat Bulaga

Ang unang tanong ni Boyet ay “Lalaking Nakasando o Leather Jacket?”

Leather Jacket ang sinagot ni Julia ngunit siya ay nakuryente kung saan ang ibig sabihin nito ay nagsisinungaling daw siya. Nanindigan naman si Julia na nagsasabi siya ng totoo kaya nagtaka siya kung ba’t siya nakuryente. Dumipensa naman si Dimples na baka ang ibig niyang sabihin ay lalaking nakasando sa ilalim ng leather jacket.

Ang pangalawang tanong ay “Moreno o Mestizo?”

Agad namang sumagot si Julia na moreno pero na-ground ulit si Julia. Nagbigay naman ng disclaimer si Boyet na palyado ang lie detector gadget na binili niya kasi naga-ground pa rin si Julia kahit nagsasabi ito ng totoo. Habol pa ni Boyet na pampasaya lang ito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ang pangatlong tanong naman ay “Matangkad o Sakto lang?”

Sumagot si Julia na sakto lang pero na-ground siya ulit. Kaya bwelta ng aktres na walang siyang itinamang sagot sa lie detector gadget.

Kyle Echarri, muntik nang mapikon sa prank ng Gold Squad

Ang pang-apat na tanong naman ay “Inglisero o Makata?”

Sumagot si Julia ng makata ngunit nakuryente na naman siya. Sinabi ng aktres na uuwi na talaga siyang luhaan dahil sa sakit.

Habang ang huling tanong naman ay “Manila Boy o Probinsiyano?”

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Bago sumagot ang aktres ay binulungan niya ang lie detector gadget na umayos ito kung hindi babasagin niya ito, at sumagot siya na probinsiyano ang gusto niya. Pero sa huling pagkakataon ay nakuryente pa rin siya na naging dahilan ng pagtawa niya ng malakas.

Kinausap ni Julia ang mag-asawa kung babasagin niya na ba ang lie detector gadget. Kaya humirit naman si Boyet na wag pabasta-bastang maniniwala sa laruan na dinugtungan ni Julia na “kung ayaw niyong masira ang relasyon niyo”.

Nagtrending naman ito sa mga netizens kung saan sinabi nila na klaradong-klarado na ang tinutukoy ni Julia ay si Coco Martin.

Kathryn Bernardo, di maitago ang kilig sa sagot ni Daniel Padilla sa kanyang mga tanong

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Julia Montes ay isang Kapamilya actress na sumikat kasabay ni Kathryn Bernardo nang gumanap sila sa bagong “Mara Clara”. Ilan sa mga naging matagumpay niyang serye ay ang “Doble Kara”, “Asintado”, at “Walang Hanggan” kung saan ay nakapareha niya si Coco Martin.

Nitong huli lang ay nag-promote si Julia sa bagong pelikula ni Coco sa pamamagitan ng pag-post ng trailer nito sa kanyang Instagram account. Ilang buwan naman ang nakakaraan ay naging usap-usapan ang larawan ni Julia kung saan ay makikita na may suot itong singsing sa kaliwang kamay.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel