Zumba Mommies, tinulungan ang taho vendor na aksidenteng natapon ang paninda

Zumba Mommies, tinulungan ang taho vendor na aksidenteng natapon ang paninda

- Hinangaan ang mga Zumba mommies ng Kawit, Cavite matapos na tulungan ang taho vendor sa lugar

- Aksidente umanong natapon ang mga paninda nito kaya naman hindi nagdalawang isip na tulungan siya ng mga nagzu-zumba

- Mismong ang alkalde ng lugar na si Mayor Angelo Aguinaldo ang nagbahagi ng kwento ito na inspirasyon ang dala sa marami

- Pinasalamatan din ng alkalde ang bayanihang ginawa ng mga zumba mommies nila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ang post tungkol sa mga Zumba mommies ng Kawit, Cavite na tinulungan ang isang taho vendor na aksidenteng natapon ang paninda.

Nalaman ng KAMI na mismong ang alkalde ng Kawit na si Mayor Angelo Aguinaldo ang nagbahagi ng kwento at super proud ito sa kabayanihang ginawa ng mga zumba mommies ng kanilang lugar.

Zumba Mommies, tinulungan ang taho vendor na aksidenteng natapon ang paninda
Si Kuya Jun-Jun at ang mga Zumba mommies Photo credit: Angelo G. Aguinaldo
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Read also

Jericho Rosales, ibinahagi ang video ng asawang si Kim Jones

"Puso at Malasakit ang ipinakita ng ating zumba mommies sa isang magtataho ngayong umaga, matapos ang aksidenteng natapon ang kaniyang inilalako habang nasa Aguinaldo Shrine."

Ayon pa sa alkalde, hindi nagdalawang isip ang mga zumba mommies na magtulong-tulong para lang mabawi ng magtataho na si "Kuya Jun-Jun" ang kanyang puhunan sa araw na iyon.

"Thank you zumba mommies! Nakakatuwa po at handang-handa kayong tumulong sa sinumang nangangailangan," ayon pa kay Mayor Aguinaldo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens na natuwa rin sa pagtulong ng mga zumba mommies sa Cavite:

"Good job Zumba Mommies! dapat lang na tularan ang kabutihang ipinakita niyo"
"Nakakatuwa naman ang mga zumba mommies na ito, hindi nagdalawang isip na tumulong"
"Mabuhay kayo Zumba mommies! Hindi niyo hinayaan na walang maiuuwing kita ang taho vendor sa kanyang pamilya sa araw na iyan"

Read also

Iba to! Kakaibang tema ng prenup shoot ng 1 couple, patok sa netizens

"Very good Zumba mommies! pagpalain kayo sa kabutihang inyong ginawa.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Samantala, bago matapos ang taong 2020, isang taho vendor din ang nag-viral dahil sa bitbit umano nito ang kanyang isang taong gulang na anak habang naglalako.

Isa sa mga suki niya ang nagmalasakit at inihingi ito ng tulong kay Raffy Tulfo.

Hindi naman nabigo ang taho vendor dahil binigyan siya ng sariling food cart business ni Tulfo kung saan hindi na siya mahihirapang maglako.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica