Jodi Sta. Maria, masayang binalikan ang "Tabing Ilog" sa Pagsanjan

Jodi Sta. Maria, masayang binalikan ang "Tabing Ilog" sa Pagsanjan

- Bumalik si Jodi Sta. Maria sa lokasyon kung saan ginaganap noon ang shooting ng "Tabing Ilog"

- Aminadong excited si Jodi dahil makalipas ang 15 taon, noon lamang siya muling makakabisita sa Pagsanjan, Laguna

- Ipinakita niya hindi lamang ang "Tabing Ilog" kundi ang iba pang mga set tulad ng mga bahay ng iba't ibang karakter sa programa

- Ipinakita rin ni Jodi ang iba't ibang mga lugar na maaring mapasyalan na Pagsanjan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Bumisita ang aktres na si Jodi Sta. Maria sa set ng isa sa mga unang programa niya sa ABS-CBN, ang "Tabing Ilog".

Nalaman ng KAMI na ibinahagi ni Jodi sa kanyang vlog ang masayang pagbabalik niya sa Pagsanjan, Laguna kung saan ginaganap ang shooting ng teen show ng 90's na "Tabing Ilog"

“Na-eexcite ako kasi it’s been more than 15 years since ‘yung huli akong nakatapak sa Pagsanjan, Laguna," bungad ni Jodi sa video niyang nasa kanya mismong YouTube channel.

Read also

Netizen, umalma sa laman ng learning module tungkol sa mga "Igorot"

Jodi Sta. Maria, masayang binalikan ang "Tabing Ilog" sa Pagsanjan
Photo: Jodi Sta. Maria (@jodistamaria)
Source: Instagram

Ipinakaita ni Jodi ang ang iba't ibang set kung saan sila nagsu-shoot kabilang na ang mga bahay ng bawat karakter sa kanilang programa.

Ang ilan sa mga ito ay halos hindi nagbago. Tulad na lamang ng bahay ng karakter ni "Rovic" o ni John Lloyd Cruz kung saan lagi itong nakatambay sa kanilang hagdan.

Bukod dito, ibinahagi rin ni Jodie ang mga lugar na maaring pasyalan sa Pagsanjan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

1999 nang ipalabas ang teen drama na "Tabing Ilog" sa ABS-CBN. Ayon nga sa naikwento ni Jodi, apat na taon ang itinagal ng programa na kinabibilangan din nina Kaye Abad, Paolo Contis, John Lloyd Cruz, Desiree del Valle, Patrick Garcia, Baron Geisler at Paula Peralejo.

Muli itong naipalabas sa Studio 23 at maging sa Jeepney TV noong taong2007-2010 at kasalukuyan pa ring mapapanood sa iWant TV.

Read also

Only child na transwoman, binigyan ng debut ng supportive parents

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Jodi Sta. Maria ay isa sa mga kinikilalang aktres sa Pilipinas. Bukod sa "Tabing Ilog", nakilala rin siya sa husay ng kanyang pagganap sa mga kilalang teleserye tulad ng "Be Careful with My Heart,” “Pangako Sa’yo” at ang kasalukuyan pa ring ipinalalabas na primetime series “Ang Sa Iyo ay Akin”

Bago matapos ang taong 2020, isinapubliko na ni Jodi ang pagkakaron nila ng relasyon ng aktor na si Raymart Santiago.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel