Netizen, umalma sa laman ng learning module tungkol sa mga "Igorot"
- Umalma ang isang netizen sa nilalaman ng learning module tungkol sa mga Igorot
- Ayon sa kanya, malinaw na diskriminasyon ang pinakikita ng pahayag sa module na pinayagang ilabas umano ng Department of Education
- At bilang siya ay isang Igorot, humihingi siya ng eksplanasyon sa mahigit na isang pahayag na tungkol sa kanilang grupo
- Marami ring mga netizens ang tila sumang-ayon sa hinaing ng uploader at umaasang maaksyunan ito
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Viral ngayon ang post ng netizen na si John Guiagui ukol sa pahayag ng isang learning module patungkol sa mga "Igorot."
Nalaman ng KAMI na humihingi umano ng paliwanag si Guiagui mula sa Department of Education tungkol sa laman ng mga learning modules.
"Nakita mong tinutukso ng kaklase mo ang isang batang Igorot dahil sa kanyang anyo," ang laman umano ng module.
Sa isa pang pahayag, "Hindi ako makikipaglaro sa aking kaklase na Igorot dahil iba ang kanyang pananamit" ang nakasulat.
Dahil dito, labis na nadismaya si Guiagui na isa umanong Igorot.
"I am a full-blooded Igorot at eto ang anyo ko. DepEd ano po ba pinagkaiba ko sa mga ibang Pinoy," pahayag niya sa kanya na ngayong viral post.
"What a disgrace. You are promoting discrimination! We Igorots demand an explanation to this," dagdag pa niya.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Samantala, tila sinang-ayunan naman siya ng iba pang netizens. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Sad... Let's just be proud that we are igorot. Matagal na issue 'yan sa author ng book pero bakit ginagamit pa."
"I definitely agree, it's sad that we as igorots are being discriminated. "
"Sana hindi na lang nag-specify ng grupo, alam naming gusto lang magbigay ng example ng author"
"Let's be extra careful, lalo na at gamit sa school pa naman po ito. Baka ma-misinterpret ng bata"
"Well, gusto sanang i-promote ng module ang asal na hindi dapat nanghahamak ng iba kung iba man ang kanilang anyo o kasuotan. Kaso, di na-deliver ng maayos ng writer."
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Samantala, hindi ito ang unang pagkakataon na binatikos ang mga learning modules na napahintulutang ilathala ng Kagawaran ng Edukasyon.
Matatandang isa sa mga naging suliranin ng departamento ang mga malisyosong pangalan na nagamit sa mga modules. Naaksyunan naman ito ng kagawaran.
Maging ang mga programa nila sa DepEd TV ay nagkaroon din umano ng problema sa "grammar" na agad din naman nilang natugunan.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh