DepEd, nagsalita na ukol sa 'maling grammar' sa lessons na pinalalabas na sa TV
- Nagsalita na ang ang Department of Education ukol sa mga sinasabing 'maling grammar' sa lessons na pinalalabas nila sa DepEd TV
- Ito ay matapos na mag-viral ng isang puna ng communication skilled coach na nakakita umano ng mali sa palabas
- Maging ang ilang batikang mamahayag ay nakita rin umano ang pagkakamali at nabahala na baka marami pa ang mga ito
- Agosto 24 ang nakatakdang pagbubukas ng klase kaya nagkaroon na ng test broadcast ang DepEd TV
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Gumawa ng ingay ang di umano'y nakita agad na pagkakamali sa English lesson na pinlabas na sa test broadcast ng DepEd TV noong Agosto 11.
Nalaman ng KAMI na isang communication skilled trainer ang lakas loob na pumuna sa nakita niyang mali sa grammar ng isang Gade 8 English lesson.
Sa social media post ni MaFel Aquino, 'concern' lamang umano siya sa kanyang nakita lalo na at ipinalalabas na ito sa telebisyon.
Hindi lamang daw isa ang makikitang pagkakamali sa grammar ng lesson kaya naman labis siyang nababahala.
"They need help," ang nabanggit ng communication coach sa kanyang post.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.
Maging ang ang batikang manunulat na si Joel Pablo ay di naiwasang punahin ang nakitang mali sa pag-aaralan ng mga bata sa telebisyon ngayong panuruang taon.
"Tapos nagtataka tayo na hindi tayo makapagsalita ng English," pahayag niya.
Samantala, agad na sinagot na ito ni DepEd Undersecretary Alain Pascua.
Sinabi niyang mangilan-ngilang lang naman ang mga pagkakamaling ito at siniguro niyang maitatama ang mga ito bago ang pagbubukas ng klase.
"Ang ginawa namin kahapon ay isang test broadcast para lang makita ang capability sa technical aspect sa broadcasting," paliwanag ni Pascua sa panayam sa kanya ng 24 Oras.
Isa ang telebisyon sa maghahatid ng mga mapag-aaralan ng mga estudyante sa bansa bilang bahagi ng 'new normal' sa edukasyon.
Tinatawag itong blended learning kung saan iba't ibang pamamaraan ng pagkatuto ang maaring gawin ng mga estudyante sa panahon ngayon.
Ito ay bilang pag-iingat pa rin sa patuloy na paglaganap ng COVID-19 sa bansa partikular na sa Metro Manila.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Maging si Presidente Rodrigo Duterte na ang nagsabi na walang magaganap na face-to-face classes hangga't wala pang natutuklasang lunas sa COVID-19.
Dahil dito, pansamantalang gagawing isolation facilities ang 50% ng mga pampublikong paaralan sa National Capital Region.
At sa pagbubukas ng klase sa Agosto 24, online teaching/learning, learning modules, TV at radio ang mga magagamit ng mga mag-aaral upang maipagpatuloy pa rin ang edukasyon sa gitna ng pandemya.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh