DepEd, umalma sa mga malisyosong pangalan na nagamit sa isang learning module

DepEd, umalma sa mga malisyosong pangalan na nagamit sa isang learning module

- Naglabas na ng opisyal na pahayag ang Department of Education kaugnay sa malisyosong pangalang ginamit sa isang module

- Nilinaw nilang hindi ito mula sa mga printed modules na nanggaling mismo sa Kagawaran ng Edukasyon

- Sa masusing imbestigasyon, napag-alamang isang catholic school sa Zambales ang nakapaglathala nito

- Gayunpaman, nilinaw ng deprtamento na bibigyan pa rin nila ng karampatang aksyon ang naturang kontrobersya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Department of Education (Photo from Wikimedia Commons)

Department of Education (Photo from Wikimedia Commons)
Source: UGC

Matapos mag-viral ang isang post na nagpapakita ng learning modules na gumamit ng mga malisyosong pangalan, agad na naglabas ng opsiyal na pahayag ang Department of Education.

Nalaman ng KAMI na ang netizen na si Reyson Lee ang nagpakita sa publiko sa pamamagitan ng isang social media post ang laman di umano ng learning module ng kanyang 16-anyos na kapatid.

Labis itong nakaaalarma dahil sa dinami-rami ng mga pangalang maaring gamitin sa module ay ang mga malisyosong pangalan pa ang naisipang gamitin ng sumulat.

Pamilyang kinuyog ang nurse na nag-swab test sa kanila, nasampolan

Agad itong nakarating sa Kagawaran ng Edukasyon at pinaimbestigahan ang naturang module na mula pala sa isang private school.

Ayon sa inilabas ng opisyal na pahayag ng DepEd sa kanilang Facebook page, nilinaw nilang hindi galing sa kagawaran ang naturang module na may malisyosong mga pangalan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Napag-alaman nilang isang catholic school sa Zambales ang siyang naglathala nito dahil ang mga pribadong paaralan tulad ng nabanggit ay maaring gumawa ng sarili nilang materyales.

Sinabi rin sa pahayag na ang mga learning modules na mula sa kagawaran ay dumaan sa masusing pagsusuri sa tulong ng mga education specialists.

Hindi pa rin daw umano nagagamit ang mga modules na ito dahil sa Oktubre 5 pa ang pagbubukas ng klase sa mga pampublikong paaralan.

Gayunpaman, siniguro ng DepEd na bibigyan nila ng karampatang aksyon ang kamaliang ito.

Bawal Judgmental constestant, nakapiling na ang anak na may special needs

Narito ang kabuuan ng pahayag:

Samantala, sa isang senate hearing naitanong umano ni Senator Joel Villanueva ang insidenteng ito sa mismong Kalihim ng Edukasyon na si Sec. Leonor Briones.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, diretsang sinagot ni Sec. Briones na hindi ito galing sa DepEd subalit inamin nitong 'dirty words' pa rin ang nagamit kaya naman gagawan pa rin nila ito ng aksyon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ilang araw na lang at nalalapit na ang pagbubukas ng klase ng mga pampublikong paaralan sa Oktubre 5.

Patuloy pa rin ang paghahanda ng mga guro, estudyante at maging mga magulang sa 'new normal' ng edukasyon.

Katunayan, isang anak ng guro ang nagbahagi ng sakripisyo ng kanyang ina sa paghahanda ng mga learning modules ng kanyang estudyante na kanilang ipamamahagi.

19-anyos na lalaki, 10 araw na nagbisikleta mula Parañaque pauwing Samar

Isa ang module sa tinatawag na blended learning o ang iba't ibang pamamaraan ng pagkatuto ng mga bata ngayong hindi pa rin pinahihintulutan ang face-to-face set-up sa mga paaralan bilang pag-iingat pa rin sa COVID-19.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel