Pagpupuyat sa mobile games, malaki ang epekto sa ugali ng bata ayon sa eksperto
- Bukod sa pagkasira ng mata, malaki rin ang epekto sa ugali ng isang bata ang labis na pagbababad sa online games
- Ilang mga magulang na ang nababahala sa kanilang mga anak dahil sa labis na pagpupuyat ng mga ito dahil lang sa paglalaro
- Ayon sa eksperto, ang mga gadgets ay naglalabas umano ng 'blue light' na nahahalintulad sa sikat ng araw na tila nagsasabing 'maliwanag' pa
- Ito ang dahilan kung bakit nakatatagal ang mga bata sa paglalaro ng online games gayung dapat ay natutulog na sila
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Mas lalong nababahala ang mga magulang ngayon dahil sa labis na paggamit ng mga gadget ng kanilang mga anak dahil sa mga online games.
Nalaman ng KAMI na dahil sa online classes, karamihan sa mga bata ngayon ay mayroon nang mga gadget na nagagamit. Kaya pagkatapos ng kanilang klase, maari na silang makapaglaro ng mobile games at ang masaklap, inaabot pa sila ng madaling araw.
Ayon sa panayam ng News5 sa ilang mga magulang, napapansin ng mga ito na malaki rin ang epekto sa ugali ng kanilang mga anak ang labis na paglalaro ng mobile games.
Nadadalas na umano ang pagiging mainitin ng ulo ng kanilang mga anak.
Kapag hindi nakahawak ng gadget sa isang araw, animo'y napakalaki na ng dinadalang problema sa pagmamakaawang mahawakan ito.
Ang ilan, hindi na rin umano nakaka-focus sa pag-aaral dahil sa kakapuyat sa paglalaro.
Paliwanag ng psychiatrist na si Dr. Joan Mae Perez- Rifareal, ang mga gadgets ay naglalabas umano ng 'blue light'. Ang blue light ay nahahawig umaano sa natural light na binibigay ng araw kaya naman inaakala ng mga nagpupuyat ay maliwanag pa kaya nakakaya nilang tumagal kahit madaling araw na.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Kung tutuusin, ang mga batang may edad na 6-13 anyos ay nararapat na magkaroon ng nasa 9-11 na oras na tulog ayon sa National Sleep Foundation.
Subalit ang ilan, lalo na at nasa bahay lamang kahit nagkaklase, 1-3 oras lamang ang tulog dahilan para sila'y antukin sa kanila mismong online class.
Dagdag pa ng eksperto, nasa magulang pa rin umano kung paano nila madidisiplina ang mga anak upang maiwasan ang posibleng kapahamakan ng mga ito sa labis na paglalaro ng mobile games.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Matatandaang makailang beses nang may naiulat tungkol sa mga kabataang bumabagsak ang kalusugan dahil sa labis na pagpupuyat at di mapigilang paggamit ng mga gadgets.
Ang masaklap, mayroon ding binawian ng buhay na ang itinuturong dahilan ay ang halos walang tulog na paglalaro ng online games.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh