Lalaking labis maglaro ng mobile games, naputukan di umano ng ugat sa mata
- Isang lalaki ang di umano ang naputukan di umano ng ugat sa mata dala ng labis na paglalaro ng mobile games
- Walang humpay ang pagtutok niya sa kanyang cellphone dahilan para magkaroon ng kondisyon na pinaniniwalaang subconjunctival hemorrhage
-Magsilbing babala umano ito sa mga abusadong gumamit ng iba't ibang gadgets na di na naiisip ang sariling kalusugan
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Ika nga, lahat ng labis ay nakasasama. Gaya na lamang ng larawan ng isang lalaking ito na binagi ng Facebook page ng Medical zone.
Kitang kita na pula na ang dapat na puting bahagi ng mata. Ayon sa post, labis na paglalaro ng 'Mobile Legends' ang dahilan ng pagkakaganito ng lalaki kaya naputukan na siya ng ugat sa mata.
Sobra sobrang oras ang ginugugol ng gamer na ito at tutok na tutok ang kanyang mga mata sa kanyang cellphone habang naglalaro.
Binahagi rin ng isang netizen sa comment section na maaring ang kondisyon na sinapit ng lalaki ay pinaniniwalaang subconjunctival hemorrhage o bahagyang pagkasira ng maninipis na blood vessels sa mata. Maari nga itong mangyari kahit sa malakas na pagsinga o pagbahin, maging ang pwesadong pag-ubo.
Bukod sa labis na pagka-stress ng mata sa pagbababad nito sa mga gadgets, nangyayari rin daw ang subconjunctival hemorrhage kung mataas ang iyong presyon, labis na pagbubuhat o pwersadong pagsusuka.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Bagaman io ay maaring mawala mula isa hanggang dalawang linggo na may kasamang pahinga, mabuting ipatingin agad ang iyong mga mata sa espesyalista.
Magsilbing aral at babala raw ito sa mga mahihilig magbabad sa mga gadgets, bata man o matanda bago pa ito matuluyang sa mas malalang kondisyon gaya ng pagkabulag.
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
The topic of this episode is a day we are waiting for the whole months. Yes, I’m talking about the PayDay in the Philippines. Have you ever promised yourself to start making savings?
Philippines PayDay - Expectations vs Reality. True Story! | HumanMeter on KAMI YouTube channel
Source: KAMI.com.gh