Lola, hinangaan sa pagsisikap nitong maglako ng kanyang ginantsilyo

Lola, hinangaan sa pagsisikap nitong maglako ng kanyang ginantsilyo

- Viral ang post ng isang netizen na nais matulungan ang lola na naglalako ng kanyang mga ginantsilyo

- Nakita raw niya ang matandang ito sa may ilalim ng LRT sa Maynila at maging siya ay bumili na dito ng lagayan ng water bottle

- Bukod sa binili, naglalako rin ang lola ng coin purse, wallet at iba pa na pawang mga gawa lamang niya

- Tuwang-tuwa pa raw ang lola nang bumili ang netizen na kanyang buena mano nang araw na iyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Umantig sa puso ng marami ang viral post ng netizen na si Jose Aran kung saan ipinakita niya ang lola na naglalako ng mga produkto niyang siya mismo ang nag-gantsilyo.

Nalaman ng KAMI na natagpuan ni Jose ang lola sa old GSIS building patungong SM Manila.

Napansin ni Jose ang mga crocheted items ng lola tulad ng coin purse, wallet, lagayan ng water bottle at marami pang iba.

Read also

Lovely Abella, umalma sa bashers ukol sa gown na bigay ni Kathryn

Lola, hinangaan sa pagsisikap nitong maglako ng kanyang mga ginantsilyo
Photo from Jose Aran
Source: UGC

Dahil dito napabili umano si Jose ng lagayan ng kanyang water bottle na nagkakahala ng P150.

Sulit naman daw ang binayad niya dahil nakita niya ang pagsusumikap ng lola sa paggawa nito.

Masayang-masaya rin ang matanda sa pagbili ni Jose na kanya raw buena mano nang araw na iyon.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sabi pa ng lola, pag nasira raw ang item ay dalhin lamang agad sa kanya para ito ay maayos pa muli niya.

Kapansin-pansin din na sa comment section, marami na rin ang nakakita at nakabili ng produkto ng lola.

Hangad din nila na matulungan ito dahil sadyang kahanga-hanga ang kanyang kasipagan sa pagha-hanapbuhay.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bago matapos ang taon, isang lolo na na-mild stroke ang nag-viral dahil naman sa patuloy nitong paglalako ng mga basahan kahit hirap na itong maglakad. Dinagsa ito ng tulong at ang dalawa pa na tumugon sa kanya ay si Raffy Tulfo at ang vlogger na si Basel Manadil o mas kilala bilang si The Hungry Syrian Wanderer.

Read also

Bride, tuluyan nang kinasuhan ang kanyang groom na umurong sa kasal

Gayundin ang isa naman lolo na naglalako ng tinapay sa may footbridge sa Quezon City. Marami kasi ang nakapansin sa matanda at napag-alaman nilang mayroon pala itong karamdaman at kinakailangan niyang kumayod para may pambili ng gamot at pagkain.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica