Kiray Celis, pinasilip ang kanyang Spongebob-themed room

Kiray Celis, pinasilip ang kanyang Spongebob-themed room

- Ipinakita ni Kiray Celis ang kanyang pinakatatanging koleksiyon ng mga "Stitch" at "Spongebob" na mga gamit

- Ito ay sa kanyang room tour na ibinahagi kung saan makikita ang kanyang silid na "Spongebob-themed"

- Ikinuwento niya rin ang ilang mga bagay patungkol sa mga gamit na nakalagay sa kanyang silid

- Kilala ang aktres sa kanyang pagiging mahilig sa pag kolekta ng mga Spongebob at Stitch na mga gamit

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ipinakita ni Kiray Celis ang koleksiyon niyang mga Stitch at Spongebob na stuff toys at collectibles sa kanyang silid.

Sa isang room tour na kanyang ibinahagi sa kanyang YouTube channel ay ibinahagi ni Kiray ang ilang mga kwento sa mga bagay na nakalagay sa kanyang kwarto.

Kiray Celis, pinasilip ang kanyang Spongebob-themed room
Photo from Kiray Celis (@kiraycelis)
Source: Instagram

Ang kanyang Spongebob na kama na palaging nakikita sa kanyang mga litratong ibinabahagi ay bigay umano ng kanyang inay Maricel Soriano samantalang ang kanyang cabinet na Spongebob din ang design ay bigay sa kanya ni Ogie Alcasid.

Read also

Aiko Melendez, tinanong si Sec. Harry Roque kaugnay sa ilang maiinit na isyu

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Maging ang kanyang vanity mirror ay Spongebob din ang design.

Hilig din umano niya sa tubig kaya maraming tumbler ang nakalagay sa kanyang silid. Bukod sa pabango ay mahilig din umano siya sa dried flowers.

Hindi gaanong malak ang kanyang CR ngunit nakaayos ang lahat ng kanyang gamit at kumpleto sa mga gamit na kakailanganin niya at ng dalawang alaga niyang aso.

Sa sobrang dami ng kanyang mga bag ay hindi na umano nagkasya sa kanyang lagayan kaya magkakapatong na lang ang mga ito. Gayunpaman, may mga sari-sariling lagayan ang mga bag kaya protektado naman kahit papaano.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Si Kiray Celis ay unang nakilala sa mundo ng showbiz nang manalo siya sa Muntíng Miss U ng MTB. Naging bahagi siya ng Goin' Bulilit at ilan pang mga palabas sa ABS-CBN kagaya ng Mara Clara, Luv U at Growing up.

Read also

OFW, mala-pelikula ang mga napuntahang lugar dahil sa mabait na amo

Samantala, sa naunang vlog ni Kiray ay ibinahagi niya ang kwento kung paano nagsimula ang pag-iibigan nila ni Stephan.

Kamakailan lang ay pinagdiwang ng dalawa ang kanilang unang taon bilang magkasintahan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel