Mayor Isko Moreno, halos maluha sa kwento ng napalayang kawatan
- Halos maiyak si Mayor Isko Moreno ng Maynila sa kwento ng isang kawatan sa kanilang lungsod na pinatawad ng nagawan nito ng pagkakasala
- Napag-alaman nilang kaya lang naman nagawa ng kawatan na itakbo ang nakaparadang tricycle ay dahil nagugutom umano ang kanyang anak
- Dahil pinatawad siya ng ninakawan, pinalaya na ito at binigyan pa ni Mayor Isko ng trabaho sa DSWD upang di na umano mapariwara
- Paglilinaw ni Mayor Isko na hindi pa rin dahilan ang gutom ng mga anak sa paggawa ng hindi mabuti
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Nag-viral ang kwento ng isang napalayang kawatan sa Maynila kung saan matapos na mapatawad ng kanyang pinagnakawan ay nabigyan pa umano ng trabaho.
Nalaman ng KAMI na halos maiyak si Mayor Isko Moreno sa programa niyang Manila PIO live habang ibinabahagi ang kinahinatnan ng kaso ni Justine Trio na naaktuhan sa CCTV ang pagkuha at pagpapatakbo sa tricycle na nakaparada sa kanilang lugar noong Disyembre ng nakaraang taon.
Makalipas ang isang buwan, inihayag ni Mayor Isko na napatawad na si Justine ng pinagnakawan nito.
Nalaman din nila na kaya umano ito nagawa ng kawatan ay dahil sa nagugutom daw ang anak nito na nasa kanyang pangangalaga.
Kaya naman sa muling pagtatagpo nina Justine at anak nito, mapapansing bahagyang naging emosyonal din si Mayor Isko.
Nilinaw din ng alkalde na hindi pa rin umano dahilan ang kumakalam na sikmura ng mga anak upang makagawa ng hindi maganda.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
"Maging takdang aral ito sa mga manonood na hindi pa rin dahilan na iraraos natin ang mga mahal natin sa buhay sa paggamit ng mga mararahas na pamamaraan at pang-aapi ng kapwa natin," paalala ng "Yorme" ng Maynila.
Mapalad din umano si Justine na pinatawad siya ng nagawan niya ng pagkakasala at makakapiling muli niya ang kanyang anak.
At upang hindi na rin ito muling mapariwara, binigyan na rin ni Mayor Isko ng trabaho si Justine sa DSWD ng kanilang lungsod.
"O ayan mag-social worker ka, paliwanagan mo lahat ng mga tolongges sa kalsada," pangaral ni Mayor Isko kay Justine.
Narito ang kabuuan ng video ng Manila PIO live na ibinahagi rin ng Mundo ni Colli YouTube channel:
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Francisco "Isko" Moreno Domagoso ay isa sa mga sikat na artista sa Pilipinas. Siya na ngayon ang ika-27 na naging alkalde ng Lungsod ng Maynila. Kilala siya sa tawag na 'Yorme' ng kanyang mga tagasuporta sa kanilang lungsod.
Ngayong panahon ng pandemya, isa si Mayor Isko sa mga alkalde na labis na hinangaan sa pangangalaga sa kanyang mga nasasakupan upang makaiwas sa lumalaganap pa ring COVID-19.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh