Mayor Isko, ₱100k ang alok sa barangay na zero COVID-19 case sa loob ng 2 buwan

Mayor Isko, ₱100k ang alok sa barangay na zero COVID-19 case sa loob ng 2 buwan

- Inanunsyo ni Mayor Isko Moreno na ang pagbibigay niya ng 'pabuya' sa mga barangay na walang maitatalang kaso ng COVID-19 mula Setyembre hanggang katapusan ng buwan ng Oktubre

- ₱100,000 ang nilaan niya sa barangay na mananatiling COVID-free sa loob ng dalawang buwan

- Isa itong hamon sa nasa 896 na barangay na nasasakupan ng lungsod ng Maynila

- Ilang netizens naman at mamamayan ang nabahala dahil kinakailangan nito ang katapatan ng bawat namumuno ng barangay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mayor Isko, ₱100,000 ang nilaan sa mga barangay na zero COVID-19 case sa loob ng 2 buwan

Manila City Mayor Isko Moreno (Photo from Wikimedia Commons)
Source: UGC

Isang hamon ang inihayag ni Manila City Mayor Isko Moreno sa kanyang mga kababayan sa kagustuhang madisiplina ang mga ito.

Nalaman ng KAMI na sa kanyang isinagawang Facebook live ngayon Agosto 31, inanunsyo niyang magbibigay siya ng malaking halaga sa mga barangay na hindi na madaragdagan pa ang kaso ng COVID-19 simula bukas, Setyembre 1 hanggang sa katapusan ng Oktubre.

Ayon sa Manila Bulletin, 896 na barangay sa Maynila ang inaasahan ng alkalde na makikiisa at makikipagtulungan upang masugpo ang pagkalat ng virus sa kanilang lungsod.

Nilinaw din ni Mayor Isko na maging ang mga barangay na may naitala nang kaso ay maari paring mabigyan ng pabuya kung sa loob ng dalawang buwan ay di na madaragdagan pa ang kaso sa kani-kanilang lugar.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sa ulat ng GMA News, nasabing isa raw ito sa mga inisyatibo ng alkalde na mayroon pang P89.6 million na budget para sa rito.

Bukod sa nasabing halaga, makatatanggap din umano ang baranagay ng plaque of appreciation upang mabigyang pagkilala ang pakikiisa at pagsisikap ng barangay.

Ang ilang netizens ay agad na nagbigay ng opinyon kaugnay ng pagpapatupad nito.

Sa bagong pinatupad na ito ng alkalde, masusubok ang katapatan ng mga namumuno ng barangay kung talagang magiging "COVID-free" sila sa susunod na dalawang buwan.

Sa huling tala ng Manila Health Department na ibinahagi rin ng Inquirer, 6,911 ang mga naitalang recoveries sa Lungsod ng Maynila. Samantala, 874 pa ang kanilang active cases at 325 ang naitalang pumanaw.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kamakailan, ay tinupad ng alkalde ang pangako nito sa Sto. Niño Church sa Pandacan na natupok ng sunod nitong nakaraang buwan.

Inilaan ni Mayor Isko ang ₱700,000 niyang talent fee mula sa isa niyang endorsements para muling makabangon ang nasabing simbahan.

Hindi rin nagpatinag ang alkalde sa nabalitang beauty product kung saan naging "province of China" ang Lungsod ng Maynila. Nagbitaw ng maaanghang na pahayag ang alkalde at sinabing kailanman ay hindi magiging bahagi ang Maynila ng nasabing bansa.

Si Mayor Isko Moreno Domagoso ang ika-27 na alkalde ng Manila City. Nauna siyang nakilala sa pagiging artista at bilang produkto ng 'That's Entertainment.'

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel