COVID-19 saliva test inaasahang ma-a-aprubahan ngayon linggo
- Hinihintay ng Philippine Red Cross (PRC) na aprubahan ng Department of Health (DOH) at Food and Drug Administration (FDA) ang COVID-19 saliva test
- Inaasahan ng PRC na ngayong linggo nila matatanggap ang pag-abruba nito
- Sinabi ni Dr. Paulyn Ubial na pwede rin itong gamitin ng ibang mga laboratory sa bansa
- Ang paraan na ito ay mas mura at mas mabilis kaya mas mapapa-bilis ang pag-test sa publiko
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Inaasahan ng Philippine Red Cross (PRC) na ma-a-aprubahan ang pag-gamit ng saliva-based COVID-19 testing sa loob ng linggong ito.
Sa panayam ng Teleradyo kay Dr. Paulyn Ubial nitong Miyerkules, ika-20 ng Enero, ay sinabi nito na dalawang pag-abruba ang hinihintay ng PRC. Ito ay ang sa Food and Drug Administration (FDA) at Department of Health (DOH).
"Inaasahan po namin within this week makuha namin ang 2 approval from FDA (Food and Drug Administration) and DOH,"
Si Ubial ay ang namumuno sa sa molecular laboratory ng PRC. Ibinahagi niya na nakumpleto na ng organisasyon ang pilot run ng saliva-based testing sa mahigit 1,000 samples.
Ipinarehistro din umano ng PRC ang mga kit na kanilang gagamitin sa FDA para magkaroon ng sertipikasyon.
Tiniyak naman ni Ubial na kapag ma-aprubahan ang saliva-based testing para sa coronavirus ay maaari rin itong gamitin ng ilang mga laboratory sa bansa.
"It's a public document. It can be done by any laboratory.
“But the problem there is that they must use the same reagent as we are using. If they are using a different reagent, they have to do the same validation study that we did," sabi ni Ubial.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Ang proseso nito ay nailathala umano ng University of Illinois na siyang nag-develop ng saliva-based testing.
Sinabi rin ni Ubial na kapag na-aprubahan ito, ang Pilipinas ay magka-karoon na ng magandang alternatibong paraan upang tukuyan ang mga mamamayan na tinamaan ng COVID-19. Ito raw ay mas mura at mas mabilis kaysa sa swab test.
"Ibig sabihin, meron na tayong (It means we will have a) cheaper, faster, more convenient alternative which is just as accurate as the swab test or the gold standard," paliwanag ni Ubial.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Ang Philippine Red Cross ay isang humanitarian organization na kasapi ng International Red Cross at Red Crescent Movement.
Sa ngayon ay patuloy na naghahanap ng paraan ang pamahalaan upang makahanap ng mas murang alternatibo para ma-test ang mga hinihinalaang tinamaan ng COVID-19 sa bansa. Lalo na ngayon na mayroon na namang bagong strain ng coronavirus na galing sa South Africa.
Bagama’t sinasabi ng mga eksperto na kayang labanan ng mga bakuna ang alin mang strains ng COVID-19, nahihirapan pa rin ang pamahalaan na kumbinsihin ang karamihan sa mga mamamayan na magpa-bakuna. Lalo na ngayon at usap-usapan ang pagkamatay ng 23 matatanda sa Norway na binakunahan ng Pfizer.
Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!
Source: KAMI.com.gh