BB Gandanghari nagsisisi sa naudlot na pagtawag kay Royette Padilla

BB Gandanghari nagsisisi sa naudlot na pagtawag kay Royette Padilla

- Ginunita ni BB Gandanghari ang buhay ng kanyang namayapang kapatid na si Royette Padilla

- Ayon kay BB ay binalak niya sanang tawagan ang kanyang kuya bago mag-Pasko

- Ngunit pinagsisisihan niya na hindi niya itinuloy ang binabalak

- Nagpa-alala si BB na dapat ay hindi ipinagpapaliban ang mga pagkakataon na sabihin o gawin ang mga nina-nais

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ibinahagi ni BB Gandanghari na plano niya sanang tawagan ang kuyang si Royette Padilla bago ito pumanaw.

BB Gandanghari nagsisisi sa naudlot na pagtawag kay Royette Padilla

BB Gandanghari (Photo credit: @gandangharibb)
Source: Instagram

Nitong Lunes, ika-18 ng Enero, ay ini-upload ni BB Gandanghari ang isang vlog na alay sa kanyang nakaka-tandang kapatid na si Royette na namayapa noong ika-9 ng Enero sa edad na 58.

Ayon sa ulat ay inatake sa puso umano ang aktor.

Sinabi ni BB na plano niya sanang tawagan ang kapatid bago pa man mag-Pasko ngunit hindi niya ito ginawa. At ngayon ay labis siyang nagsisisi.

Groom na tinakasan ang bride, napahagulhol sa pagmamakaawa na 'di siya makasuhan

Sabi niya, baka lang daw ay kailangan nito nang kausap kaya naisipan niya itong kumustahin.

Nagsisisi raw si BB na hindi man lang sila nagkaroon ng pagkakataon na masayang makapag-kwentuhan.

"Siguro 'yon yung regret ko ngayon.
"Sana nabigyan lang ng pagkakataon na we can talk about things other than problems, other than what’s yung mga hinagpis na dala-dala natin…
"Just really enjoying the conversation."

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ginamit rin ng dating aktor ang pagkakataon na humingi ng tawad sa kanyang kuya. Aminado siya na mayroon siyang naging pagkukulang bilang kapatid.

"Kung at one point naparamdam ko sa 'yo ang rejection, or somehow parang ayokong makipag-communicate, sana mapatawad mo ako."

Ibinahagi rin ni BB ang kanyang pinaka-malaking realisasyon sa nangyari.

“Minsan kailangan nating ilagay sa isip natin na when you wanna say something, don’t hold back. Just say it. Kasi baka hindi tayo mabigyan ng pagkakataon.”
Ina ng nasa viral video na dinukot umano ng mga pulis sa Baguio, isinalaysay ang nangyari

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si BB Gandanghari ay isang transwoman na mas naunang nakilala bilang Rustom Padilla. Siya ay isa sa magkakapatid na Padilla na sumikat bilang mga aktor sa Pilipinas. Maliban kay Royette ay mga kapatid rin niya sina Rommel at Robin Padilla.

Nitong nakaraang araw lamang ay ginunita ng Pamilya Padilla ang buhay ng namayapang si Royette. Nagbalik-tanaw sila sa buhay ng aktor at ito ay napanood sa Facebook Live. Nalaman ng publiko ang pagpanaw ni Royette dahil sa posts ng kapatid nila na si Rebecca.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel