Kapatid nina Robin, Rommel at BB Gandanghari na si Royette Padilla, pumanaw na

Kapatid nina Robin, Rommel at BB Gandanghari na si Royette Padilla, pumanaw na

- Pumanaw na ang dating aktor na si Royette Padilla sa edad na 58 anyos

- Ito ay ayon sa kapatid niyang si Rebecca ang nag-post nitong Enero 9, 2021, Sabado

- Panganay na kapatid nina Robin, Rommel, at BB Gandanghari (dating Rustom Padilla)

- Bumuhos ang pakikiramay para sa naulilang pamilya ng dating aktor na sumikat noong 1990s

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi sa Facebook ni Rebecca Padilla ang tungkol sa pagpanaw ng kanyang kapatid na si Royette Padilla nitong Enero 9, 2021, Sabado.

Hiniling niyang ipanalangin ang kapatid na pumanaw.

Kapatid nina Robin, Rommel at BB Gandanghari na si Royette Padilla, pumanaw na

Photo from Royette Padilla
Source: Facebook

Pls whisper a prayer for our brother Royette Padilla . A silent prayer for his eternal peace, please.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Panganay na kapatid nina Robin, Rommel, at BB Gandanghari (dating Rustom Padilla) si Royette na gumanap sa ilang pelikula noong dekada 90 kagaya na lang ng Mistah noong 1994, Buhay Kamao at Alab ng Lahi noong 2003.

It's Showtime hosts, nakigulo sa bagong bahay ni Vice Ganda

Bumuhos naman ang pakikiramay para sa pamilya.

Ayon sa isang ulat ng Bandera, atake sa puso ang ikinamatay ni Royette.

Kasunod ng post ni Rebecca tungkol sa pagpanaw ng kapatid, ibinahagi niya ang mga larawan ni Royette at asawang si Jean na ang caption ay, “Together now, in eternal peace and loving embrace of our Creator. Cheers Jane and Oyroro! Yakap. #eternallove.

Matatandaang noong Abril 23 ay namatay ang asawa ni Royette na si Jean Sheryll Padilla dahil sa brain cancer.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Samantala, bilang mga pamilya ng mga prominenteng artista, naging usap-usapan ng publiko ang pamilyang Padilla. Si Royette ay isa lamang sa mga anak ang aktor na si Roy Padilla, Sr. at ng actress na si Eva Cariño.

Isa sa mga kontrobersiyang yumanig sa mundo ng showbiz ay ang pag-amin ng dating matinee idol na si Rustom Padilla tungkol sa kanyang tunay na katauhan. Sa katunayan, kilala na siya ngayon bilang si BB Gandanghari.

Luna Agoncillo, nagdiwang ng kanyang ika-5 taong kaarawan

Inihayag ni BB ang kanyang sama ng loob sa kanyang kapatid na si Robin Padilla sa pamamagitan ng kanyang YouTube channel.

Gayunpaman, kamakailan ay humingi ito ng dispensa sa kanyang mga nasabi laban sa kapatid.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel