US punk band na 'Converge', napagkamalang internet provider ng mga Pinoy
- Umalma na ang US hardcore punk band na 'Converge' sa mga natatangggap nilang reklamo na para sana sa internet provider na kapangalan nila
- Inakala kasi ng marami na ito ay Converge ICT Solutions na isa sa mga internet provider sa Pilipinas
- Sa pamamagitan ng isang post, nilinaw nilang hindi sila ang naturang internet provider na nagkaroon kamakailan ng problema kaya inulan ng reklamo
- Hangad naman daw ng punk band na maayos na maibalik ng Converge ICT Solutions ang internet connection ng mga nagreklamong customers
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Aliw na aliw ang mga Pinoy netizens sa post ng US hardcore punk band na 'Converge' kung saan umalma na sila sa dami ng mga nag-aakala na sila ay ang internet provider sa Pilipinas.
Nalaman ng KAMI na nitong Enero 16, nilinaw na ng banda na hindi sila ang Converge ICT Solutions ng Pilipinas.
Nakatatanggap kasi sila sa kanilang comment section ng mga reklamo ng customers na nawalan ng internet connection lalo na ngayong pandemya.
Dinaan na lamang ng punk band sa biro ang paglilinaw at ninais naman nilang maibalik na ang internet connection ng mga nagreklamong ito sa kanilang social media page.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Naaliw naman ang mga netizens sa nasabing post at nadamay pa raw ang banda sa mga reklamo ng customer ng kapangalan nilang internet provider.
"Sa sobrang frustration ng customer, basta makahanap lang ng page na 'Converge', rant agad. haha!"
"Hala! banda po sila hindi po sila yung internet. kawawa naman nadamay pa"
"Naku, Converge ICT Solutions. Ibigay niyo ang inyong social media pages sa customers. Nakakahiya sa bandang ito"
"Ewan ko pero sobrang natawa ako. Buti na lang cool yung banda. Dinaan na lang nila sa biro"
"Ingat po mga kababayan. Nananahimik yung banda e. Buti kalma sila. Haha"
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Ang Converge ICT Solutions ay isang telecommunication at cable TV service provider sa Pilipinas. Mas nakilala sila sa kanilang fiber-optic broadband at cable internet na siyang gamit ng karamihang mga Pilipino.
Mula nang magsimula ang pandemya kung saan karamihan ay nananatili na lamang sa kani-kanilang mga tahanan, dumami ang nangailangang magkaroon ng sariling internet connection na siyang naging dahilan umano ng kabi-kabilang reklamong natatanggap ng mga internet provider sa bansa.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh