Metro Manila, muling isasailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine

Metro Manila, muling isasailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine

- Muling isasailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang Metro Manila

- Kabilang ang mga lugar ng Cavite, Bulacan, Laguna, at Rizal sa mga isasailalim na muli sa MECQ

- Ipapatupad ito sa mga nabanggit na lugar simula ngayong Martes, Agosto 4 hanggang Agosto 18, 2020

- Inirekomenda ang muling paghihigpit sa pagpapalabas ng mga tao matapos itong hilingin ng mga medical frontliners bunsod ng paglobo ng bilang ng kaso ng COVID sa bansa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Muling isinailalim ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang Metro Manila nitong Agosto 2 bilang tugon sa panawagan ng mga medical frontliners na muling higpitan ang pagpapalabas ng tao sa gitna ng laban kontra COVID-19.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Metro Manila, muling isasailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine

API via Getty Images
Source: Getty Images

Kabilang ang mga lugar ng Cavite, Bulacan, Laguna, at Rizal sa mga isasailalim na muli sa Modified Enhanced Community Quarantine. Magsisimulang ipapatupad ito sa mga nabanggit na lugar simula ngayong Martes, Agosto 4 hanggang Agosto 18, 2020.

Matatandaang unang nagpatupad ng enhanced community quarantine para sa Metro Manila noong Marso dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng positibong kaso ng COVID-19 sa bansa. Layon ng quarantine na maiwasang patuloy na magkahawa-hawa ang coronavirus sa mas marami pang tao. Nagpatupad na rin ng mga quarantine protocols ang ibang mga lalawigan.

Ang COVID-19 o Corona Virus Disease ay sanhi ng severe acute respiratory syndrome coronavirus 2 (SARS-CoV-2). Unang nakapaminsala sa tao ang virus na ito noong 2019 sa Wuhan, ang capital ng Hubei province sa central China. Sa kasalukuyan, unti-unti nang nakakabawi ang China mula sa dagok na dala ng pandemic na ngayon ay namiminsala na rin sa maraming bansa kabilang na ang Pilipinas.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Kamakailan ay naungusan na ng Pilipinas ang China sa dami ng kumpirmadong kaso ng COVID. Samantala, nagbabala ang World Health Organization na maaring tumagal pa ang pandemyang dulot ng COVID-19.

POPULAR: Read more news about Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel