Vaccine czar Galvez nasasaktan sa pagdawit sa kanya sa korupsyon

Vaccine czar Galvez nasasaktan sa pagdawit sa kanya sa korupsyon

- Inamin ni Sec. Carlito Galvez Jr. na nasasaktan siya kapag idinadadawit ang pangalan sa korupsyon

- Pinaalalahanan niya ang publiko na mayroon pang mga tapat na opisyal ng pamahalaan

- Ipinagtanggol rin niya si Usec. Mark Joven at sinabing ito ay tapat sa tungkulin

- Ito ay tugon niya sa pasaring ni Sen. Panfilo Lacson tungkol sa pagkakaiba-iba ng presyo ng mga bakuna galing sa Sinovac

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagpahayag si vaccine czar Sec. Carlito Galvez Jr. ng kanyang saloobin tungkol sa pagdadawit sa kanya ng publiko sa korupsyon kaugnay sa pagbili ng mga bakuna para sa COVID-19.

Vaccine czar Galvez nasasaktan sa pagdawit sa kanya sa korupsyon
Vaccine czar Galvez nasasaktan sa pagdawit sa kanya sa korupsyon
Source: UGC

Sa panayam sa kanya ng “Headstart” ng ANC ay sinabi ni Galvez na nasasaktan siya kapag nila-lahat ng mga mamamayan ang pagdawit sa mga opisyal ng pamahalaan sa korupsyon. Ayon sa vaccine czar, mayroon pa din namang mga mapagka-katiwalaan na mga linkod ng pamahalaan.

Read also

Pangulong Duterte payag mauna sa pagpapabakuna kontra COVID-19

"Sa atin po, gusto ko lang pong ipaalala sa ating mga mahal na mamamayan, marami pong mababait at saka very honest dito sa government service po natin.
“Huwag po nating anuhin na pag galing ka sa gobyerno, corrupt po ang mga tao.
“Minsan nakakasakit po ng damdamin," pahayag ni Galvez.

Ayon sa kanya, siya at si Usec. Mark Joven ay iilan doon sa mga sinasabi niyang mga tapat. Nabanggit rin niya na nanguna sa CPA si Joven at siya ang nag-aasikaso ng mga kontrata ng bansa.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ang pahayag na ito ni Galvez ay tugon niya sa tweet ni Sen. Panfilo Lacson tungkol sa pagkakaiba-iba ng presyo ng Sinovac vaccines. Ayon sa senador, naaalala daw niya ang kwento tungkol sa kung paano ginagawa ang korupsyon sa tatlong bansa sa Southeast Asia.

Read also

Crisha Uy, ibinahagi ang saloobin tungkol sa isyu nila ng ex na si Joem Bascon

“The difference in prices of Sinovac vaccine at US$5, US$14 and US$38 reminds me of an old story about how corruption is committed in three Southeast Asian countries - UNDER the table, ON the table, and INCLUDING the table.” Sabi ni Lacson sa kanyang tweet.

Sinabi ni Galvez na “fair and square” daw ang mga transaksyon na kanyang pinapangasiwaan. Tiniyak rin niya na ang Pilipinas ay sumusunod sa mga patakaran na inilatag ng World Bank at Asian Development Bank para sa kabayaran sa pagbili ng mga bakuna kontra COVID-19.

"Rest assured na 'yung ating dealings are fair and square," sabi niya.

Matatandaan na noong Disyembre ay sinabi ni Pangulong Duterte na tiwala siya na walang korupsyon na magaganap sa pagbili ng mga bakuna para sa bansa.

Sa Pebrero ay inaasahan nang darating ang unang supply ng mga bakuna para sa bansa. Tinatayang 50,000 na doses ng mga bakuna galing Sinovac ang papasok sa Pilipinas.

Read also

Pasaherong sinunog ang konduktora ng bus QC, nakilala na

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Sec. Carlito Galvez Jr. ay ang itinalagang vaccine czar ni Pangulong Rodrigo Duterte. Dati siyang nagsilbi bilang Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines.

Naging usap-usapan noong nakaraang linggo ang pahayag ng Pangulong Duterte na huling makaka-tanggap ng bakuna ang mga opisyal ng gobyerno. Binatikos ang pangulo dahil dati siyang nag-boluntaryo na unang magpapa-turok ng bakuna.

Ngunit nitong araw lang ay ipinagtanggol ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang pangulo at sinabing handa naman itong mauna kung iyon ang makaka-tanggal ng alinlangan ng mamamayan.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Cyril Abello avatar

Cyril Abello (Editor)