Mga suspek sa Dacera case, tinanggalan ng mga sweldo ayon sa kanilang kaibigan

Mga suspek sa Dacera case, tinanggalan ng mga sweldo ayon sa kanilang kaibigan

- Ang isang kaibigan ng mga suspek sa pag-panaw ni Christine Dacera ay kinausap ni Noli de Castro

- Sinabi ni Kian Ang na ang kanyang mga kaibigan ay tinanggalan ng sweldo dahil sa ongoing investigation

- Nawalan pa raw ng apartment si Rommel Galido at hindi na makalipad bilang isang flight attendant

- Nag-fundraising ang magkakaibigan para lumikom ng pera sa pambayad ng kanilang mga abogado

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kinausap ni Noli de Castro sa Teleradyo ng ABS-CBN News ang isang kaibigan ng mga suspek sa pag-panaw ng flight attendant na si Christine Dacera.

Inilahad ni Kian Ang na ang kanyang mga kaibigang suspek sa kaso ay tinanggalan ng sweldo dahil sa ongoing investigation sa kanila.

Mga suspek sa Dacera case, tinanggalan ng mga sweldo ayon sa kanilang kaibigan
Mga suspek sa Dacera case, tinanggalan ng mga sweldo ayon sa kanilang kaibigan
Source: UGC

Si Rommel Galido, isa sa mga suspek, ay nawalan pa raw ng apartment at hindi na makalipad bilang isang flight attendant habang iniimbestigahan pa siya.

Read also

CCTV video ng pag-alis ng mga tao sa Room 2207 ng Christine Dacera case, inilabas na

Dahil dito, nag-fundraising ang magkakaibigan para lumikom ng pera sa pambayad ng kanilang mga abogado. P1-2 million daw ang goal nilang maipon sa kanilang fundraising.

Sinabi rin ni Kian na napapansin ng kanyang mga kaibigan na tinitiktikan sila ng mga hindi kilalang tao kapag lumalabas sila ng bahay.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Narito ang interview ni Kian Ang sa programa ni Noli de Castro:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Christine Angelica Dacera ay nag-check in sa City Garden Hotel kasama ang kanyang mga kapwa cabin crew na sila Rommel Galido, Gregorio Angelo Rafael de Guzman, John Dela Serna, at pito pang iba lagpas hating gabi ng Enero 1.

Matapos ang kanilang New Year party sa nasabing hotel room, sinabi ni Galido na nagising siya ng 10 a.m. at nakitang tila tulog si Dacera sa bathtub kaya kinumutan niya ito at natulog siyang muli.

Read also

Valentine Rosales, humihingi ng tulong upang makakuha sila ng abogado

Ilang oras pa ang nakalipas, nagising ulit si Galido at nakitang kulay asul na ang balat ni Dacera at walang malay.

Dinala na si Dacera sa clinic ng hotel para mabigyan ng CPR ng security manager ng hotel na si Peter Paul Poningcos ngunit hindi pa rin ito nagka-malay kaya isinugod na siya sa Makati Medical Clinic, kung saan deklarado siyang dead on arrival.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel