Sharon Dacera: Christine’s friends might have taken advantage of her kindness

Sharon Dacera: Christine’s friends might have taken advantage of her kindness

- Ang ina ni Christine Dacera na si Sharon Dacera ay nagpa-interview ukol sa pagpanaw ng kanyang anak

- Sinabi niyang maaaring nilagyan daw ng droga ng kasama ni Christine sa hotel room ang kanyang inumin

- Baka rin daw nag-take advantage ang mga kaibigan ni Christine sa pagiging mabait nito

- Sana rin daw ay hindi siya trinaydor ng mga kaibigan nito dahil buo ang tiwala sa kanila ni Christine

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagpa-interview ang ina ni Christine Dacera na si Sharon Dacera sa programa ng ANC na Headstart ukol sa pagpanaw ng kanyang anak na flight attendant.

Ayon kay Sharon, maaaring nilagyan daw ng droga ng kasama ni Christine sa hotel room ang kanyang inumin para pagsamantalahan siya.

Sharon Dacera: Christine’s friends might have taken advantage of her kindness
Sharon Dacera: Christine’s friends might have taken advantage of her kindness
Source: UGC

Sinabi rin ni Sharon na baka raw nag-take advantage ang mga kaibigan ni Christine sa pagiging mabait at probinsyana nito.

Read also

Sharon Dacera, naniwalang ginahasa si Christine dahil sa estado ng katawan nito

Dagdag pa niya, sana raw ay hindi siya trinaydor ng mga kaibigan nito dahil buo ang tiwala sa kanila ni Christine.

“Most probably meron talaga kasi kilala ko si Christine hindi ganyan yung anak ko. Siguro, ni-take advantage din nila yung pagiging mabait at probinsiyana ng anak ko na Christine really trusted them so much. Sabi ko, as a friend sana di nila binetray nang ganun si Christine," saad ni Sharon.

Ipinaliwanag ng mga kasama ni Christine na ang kanyang mga pasa at abrasions ay dulot ng defective na wheelchair na dinala sa kanila ng staff ng hotel sa Makati. Ayon sa report ng The Philippine Star, sinabi ng mga suspek na natural ang cause of death ng flight attendant.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Nagsalita rin kamakailan ang NBI ukol sa kaso, ayon sa report ng GMA News Online. Sinabi ng NBI na base sa second autopsy, posible nga raw na may foul play sa pagpanaw ni Christine.

Read also

CCTV video ng pag-alis ng mga tao sa Room 2207 ng Christine Dacera case, inilabas na

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Christine Angelica Dacera ay nag-check in sa City Garden Hotel kasama ang kanyang mga kapwa cabin crew na sila Rommel Galido, Gregorio Angelo Rafael de Guzman, John Dela Serna, at pito pang iba lagpas hating gabi ng Enero 1.

Matapos ang kanilang New Year party sa nasabing hotel room, sinabi ni Galido na nagising siya ng 10 a.m. at nakitang tila tulog si Dacera sa bathtub kaya kinumutan niya ito at natulog siyang muli.

Ilang oras pa ang nakalipas, nagising ulit si Galido at nakitang kulay asul na ang balat ni Dacera at walang malay.

Dinala na si Dacera sa clinic ng hotel para mabigyan ng CPR ng security manager ng hotel na si Peter Paul Poningcos ngunit hindi pa rin ito nagka-malay kaya isinugod na siya sa Makati Medical Clinic, kung saan deklarado siyang dead on arrival.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Online view pixel