Sharon Dacera, naniniwalang ginahasa si Christine dahil sa estado ng katawan nito

Sharon Dacera, naniniwalang ginahasa si Christine dahil sa estado ng katawan nito

- Si Sharon Dacera ay naniniwala pa ring ginahasa ang kanyang anak na si Christine Dacera

- Ipinaliwanag ni Sharon na naniniwala siyang ginahasa si Christine dahil sa estado ng katawan nito nang mamatay

- May mga pasa, abrasions at hematoma kasi ang katawan ni Christine base sa autopsy

- Itinanggi na ng mga kasama ni Christine na sila ang dahilan ng mga pasa at sugat nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Iginigiit pa rin ni Sharon Dacera na ginahasa ang kanyang anak na si Christine Dacera bago ito pumanaw noong Enero 1.

Sharon Dacera, naniniwalang ginahasa si Christine dahil sa estado ng katawan nito

Christine Dacera (@xtinedacera)
Source: Instagram

Sa Facebook post ng ABS-CBN News, ipinaliwanag ni Sharon kung bakit ito ang kanyang paniniwala kahit sinabi ng Makati Prosecutor’s Office na kulang pa sa ngayon ang ebidensya laban sa mga suspek.

Ayon kay Sharon, naniniwala siyang ginahasa si Christine dahil sa estado ng katawan nito nang mamatay. Matatandaang may mga pasa, abrasions at hematoma ang katawan ni Christine base sa autopsy.

Sharon Dacera gets interviewed by Karen Davila about Christine’s death
“Para sa akin, ni-rape po ang anak ko. Pag nakita mo ‘yung katawan ni Christine, you will surely – if you are the mother, you will surely feel the pain suffered by Christine from them,” paliwanag ng ina.

Ipinaliwanag ng mga kasama ni Christine na ang kanyang mga pasa at abrasions ay dulot ng defective na wheelchair na dinala sa kanila ng staff ng hotel sa Makati. Ayon sa report ng The Philippine Star, sinabi ng mga suspek na natural ang cause of death ng flight attendant.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Nagsalita rin kamakailan ang NBI ukol sa kaso, ayon sa report ng GMA News Online. Sinabi ng NBI na base sa second autopsy, posible nga raw na may foul play sa pagpanaw ni Christine.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

CCTV video ng pag-alis ng mga tao sa Room 2207 ng Christine Dacera case, inilabas na

Si Christine Angelica Dacera ay nag-check in sa City Garden Hotel kasama ang kanyang mga kapwa cabin crew na sila Rommel Galido, Gregorio Angelo Rafael de Guzman, John Dela Serna, at pito pang iba lagpas hating gabi ng Enero 1.

Matapos ang kanilang New Year party sa nasabing hotel room, sinabi ni Galido na nagising siya ng 10 a.m. at nakitang tila tulog si Dacera sa bathtub kaya kinumutan niya ito at natulog siyang muli.

Ilang oras pa ang nakalipas, nagising ulit si Galido at nakitang kulay asul na ang balat ni Dacera at walang malay.

Dinala na si Dacera sa clinic ng hotel para mabigyan ng CPR ng security manager ng hotel na si Peter Paul Poningcos ngunit hindi pa rin ito nagka-malay kaya isinugod na siya sa Makati Medical Clinic, kung saan deklarado siyang dead on arrival.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel