'Sexy Hipon' Herlene, ni-real talk si Miss Manila Alexandra Abdon

'Sexy Hipon' Herlene, ni-real talk si Miss Manila Alexandra Abdon

- Naging masinsinan ang pag-uusap nina 'Sexy Hipon' Herlene at Miss Manila Alexandra Abdon

- Ito ay matapos magkapikunan sa isang episode ng "Wowowin" kung saan pinagharap sila ni Willie Revillame

- Aminado si Herlene na napikon siya kay Alexandra ngunit ayon sa beauty queen ay itinuring niyang misunderstanding lang ang nangyari

- Ayon pa kay Herlene, matapos nilang magkasama ni Alexandra, ay mas nakilala niya ito at napatunayang hindi masama ang ugali nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa isang vlog ni 'Sexy Hipon' Herlene, nagkausap sila ng masinsinan ni Miss Manila Alexandra Abdon. Napag-usapan nila ang tungkol sa hindi pagkakaintindihan nila na pinagpiyestahan ng mga netizens at bashers.

Habang nakaupo sa gilid ng Manila Bay, inamin ni Herlene na napikon siya kay Alexandra. Gayunpaman, para sa beauty queen, itinuring niyang misunderstanding lang ang nangyari.

Read also

Nadine Lustre, umalma sa lumabas na balita tungkol sa suot umano niya sa hiking

Aminado si Alexandra na maraming naiirita sa paraan ng kanyang pananalita. Na-realize niya ring hindi lahat ng tao ay pwede niyang biruin.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ayon kay Herlene, napatunayan niyang hindi masama ang ugali ni Alex matapos niya itong mas makilala pa. Para naman sa kanya, inamin niyang may natutunan din siya sa nangyari.

Aniya, dapat ay huwag siyang maging masyadong sensitive sa mga sinasabi ng ibang tao.

Matapos tumanggap ng pambabatikos si Alex mula sa mga fans at maging ang kanilang mga taga-suporta ay nag-away-away na rin, napagpasyahan nilang ayusin na lang ang di pagkakaintindihan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Alexandra Abdon ang kumatawan sa Lungsod ng Maynila sa ginanap na Miss Universe PH 2020 kung saan nanalo si Rabiya Mateo. Hindi man nanalo sa nasabing beauty pageant, sumikat si Alexandra kasunod ng kanyang preliminary interview na nag-viral.

Read also

Vlogger na si Toni Fowler, kinumpirmang single na siya

Matatandaang naging usap-usapan ang paghaharap nina Herlene at Alexandra sa Wowowin kung saan sinubukan silang pagbatiin ni Kuya Will.

Sa nasabing paghaharap, naging mainit ang sagutan nila ngunit inihingi ng dispensa ni Alexandra ang hindi niya pagsipot sa isang episode ng Wowowin matapos nitong tanggapin ang imbitasyon ni Willie Revillame para mag guest.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel