Miss Manila, humingi ng dispensa kay Willie Revillame dahil sa hindi niya pagsipot sa Wowowin

Miss Manila, humingi ng dispensa kay Willie Revillame dahil sa hindi niya pagsipot sa Wowowin

- Personal na humingi ng dispensa si Miss Manila Alexandra Abdon kay Willie Revillame

- Ito ay matapos niyang hindi makasipot sa taping ng Wowowin kasunod ng pag-anyaya ng TV host

- Bumawi ang beauty queen at pumunta sa Wowowin:Tutok to Win nitong Biyernes, December 18

- Matatandaang nag-ugat ang lahat matapos ibunyag ni Herlene “Hipon Girl” Budol ang tungkol sa "pangmamata" umano nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Personal na humingi ng dispensa si Miss Manila Alexandra Abdon kay Willie Revillame kaugnay sa hindi niya pagsipot sa Monday taping ng Wowowin.

Ito ay matapos niyang tanggapin ang paanyaya ng TV host kasunod ng kontrobersiya sa pagitan nila ni Herlene “Hipon Girl” Budol.

Nito lamang Biyernes ay nagtungo si Miss Manila sa Wowowin upang makabawi at humingi ng dispensa.

"Ayan, mag-a-apologize ako for not showing up last Monday, personally, live dito, maririnig niyong lahat. At Kuya Wil, sorry.”

Read also

Mag-inang Julia at Marjorie Barretto, kumasa sa lie detector challenge

Matapos tanggapin ang paghingi ng dispensa ni Miss Manila, naitanong sa kanya ng TV host ang tunay na dahilan ng hindi niya pagsipot.

Miss Manila, humingi ng dispensa kay Willie Revillame dahil sa hindi niya pagsipot sa Wowowin
Photo from Alexandra Abdon (@alexandra.abdon)
Source: Instagram

"Kasi may ano po, may shoot po nun, nakapag-commit na po ako. May mga tao na nakapag-book na, yung spot na book na. Sa Tagaytay po," paliwanag ni Alexandra.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nag-ugat ang isyu nang maikwento ni Herlene ang tungkol sa umano'y "pangmamata" sa kanya ni Alexandra sa isang event na dinaluhan nilang dalawa.

Hindi napigilang maging emosyonal ni Herlene habang ikwento ang pangyayari kaya tinawagan ni Willie si Alexandra para agkaharap sila ni Herlene at umuo naman ito sa paanyaya.

Gayunpaman, hindi ito nakarating nitong Lunes kaya inihayag ni Willie ang kanyang pagkadismaya.

Nilinaw naman ni Herlene na nagkabati na sila.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Read also

Sarah Geronimo, ibinahaging dalawang beses nag-propose noon si Matteo Guidicelli

Si Alexandra Abdon ang kumatawan sa Lungsod ng Maynila sa ginanap na Miss Universe PH 2020 kung saan nanalo si Rabiya Mateo. Hindi man nanalo sa nasabing beauty pageant, sumikat si Alexandra kasunod ng kanyang preliminary interview na nag-viral.

Muli siyang naging usap-usapan matapos ang paglabas ng kontrobersiya kaugnay sa umano'y pangmamata niya kay Herlene ng Wowowin.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel