Nag-autopsy kay Christine Dacera, kinasuhan na ayon sa legal counsel ng pamilya

Nag-autopsy kay Christine Dacera, kinasuhan na ayon sa legal counsel ng pamilya

- Pormal nang naghain ng reklamo ang pamilya ni Christine Dacera sa medico legal officer na nagsagawa ng autopsy sa bangkay nito

- Ito ay matapos na aminin umano ng medico-legal officer na ma-embalsamo na ang labi ng flight attendant kahit wala pang pahintulot ang pamilya nito

- Ang nagpalala pa umano ng sitwasyon ay ang pag-eembalsamo bago pa man gawin ang autopsy

- Hindi na muling humarap ang ina ni Christine na si Sharon Dacera sa media subalit ang abogado ng pamilya ang nagkumpirma ng desisyon ng mga ito na kasuhan na ang nag-autopsy

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kakasuhan na ng pamilya ni Christine Dacera ang medico-legal officer na nagsagawa ng autopsy sa bangkay ng yumaong flight attendant.

Ayon sa ulat ni Chat Ansagay, ABS-CBN correspondent ng Gensan, kinumpirma ng abogado ng pamilya Dacera na si Atty. Brick Reyes ang pormal nilang paghahain ng reklamo laban sa nag-autopsy.

Read also

Geraldine Roman, nanawagan sa netizens ukol sa Christine Dacera case

Nag-autopsy kay Christine Dacera, kumpirmadong kakasuhan ayon sa legal counsel ng pamilya
Photo: Christine Angelica Dacera (@xtinedacera)
Source: Instagram
"We believe that he is guilty of gross negligence and gross incompetence," pahayag ni Atty. Reyes.
"We have preliminary information that he has been recalled to Camp Crame," dagdag pa nito.

Sa ulat ng GMA News, inamin ng naturang medico-legal officer na si Police Major Michael Sarmiento na pinahintulutan niya umano ang pag-eembalsamo sa labi ni Christine kahit na walang pahintulot sa pamilya nito.

Ang nagpalala pa umano sa sitwasyon ay ang pagsasagawa ng pag-eembalsama bago isagawa ang otopsiya.

"So mali 'yung procedure. Ewan ko kung nagkamali lang o alam niyang mali pero ginawa pa rin," pahayag ni Atty. Reyes.

Samantala, mahigpit ang seguridad sa burol ni Christine sa General Santos City. Tanging ang malalapit na kaanak na may pahintulot ng pamilya ang pinapapasok sa pinaglagakan sa labi ng yumaong flight attendant.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Panawagan ng pamilya ni Christine Dacera: "Please, umamin na kayo!"

Enero 1 nang matagpuang wala nang buhay ang 23-anyos na Philippine Airlines flight attendant. Na-detain ang tatlo niyang nakasama na itinuring na suspek subalit pinakawalan din ng pulisya dahil umano sa kakulangan ng ebidensya.

Sa kabila ng pakiusap ng mga lumantad na mga itinuturing na suspek, itutuloy pa rin ni Sen. Manny Pacquiao ang pagbibigay ng P500,000 na pabuya sa sinuman ang makatutulong na makresolba sa pagkamatay ni Dacera.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica