Katawan ni Dacera, inembalsamo bago i-autopsy; walang consent mula sa pamilya

Katawan ni Dacera, inembalsamo bago i-autopsy; walang consent mula sa pamilya

- Ang legal counsel ng pamilya ni Christine Angelica Dacera, ang Philippine Airlines flight attendant na pumanaw, ay may bagong update

- Ayon kay Atty. Roger Reyes, umamin si medico-legal officer Police Major Michael Sarmiento na inembalsamo muna niya ang katawan ni Dacera bago ito i-autopsy

- Nag-sampa na ang Dacera family ng administrative complaint laban kay Sarmiento

- Kumpirmado rin ni NCRPO Chief Vicente Danao na inuna nga ni Sarmiento ang pag-embalsamo kaysa sa pag-autopsy

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

May bagong update ang legal counsel ng pamilya ni Christine Angelica Dacera, ang Philippine Airlines flight attendant na pumanaw sa Makati noong Enero 1.

Katawan ni Dacera, inembalsamo bago i-autopsy; walang consent mula sa pamilya
Christine Angelica Dacera (@xtinedacera)
Source: Instagram

Sinabi ni Atty. Roger Reyes sa video report ni Chino Gaston sa GMA program na 24 Oras na umamin si medico-legal officer Police Major Michael Sarmiento na inembalsamo muna niya ang katawan ni Dacera bago ito i-autopsy at kahit walang consent mula sa pamilya ng namayapa.

Read also

Close friend ni Dacera, nalulungkot sa nababasang negatibong komento sa kaibigan

"So mali 'yung procedure. Ewan ko kung nagkamali lang o alam niyang mali pero ginawa pa rin," sinabi ni Reyes.

Dahil dito, nag-sampa na ang Dacera family ng administrative complaint laban kay Sarmiento. Kinumpirma rin ni NCRPO Chief Vicente Danao na inuna nga ni Sarmiento ang pag-embalsamo kaysa sa pag-autopsy.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Narito ang kabuuang report ng 24 Oras:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Christine Angelica Dacera ay nag-check in sa City Garden Hotel kasama ang kanyang mga kapwa cabin crew na sila Rommel Galido, Gregorio Angelo Rafael de Guzman, John Dela Serna, at pito pang iba lagpas hating gabi ng Enero 1.

Matapos ang kanilang New Year party sa nasabing hotel room, sinabi ni Galido na nagising siya bandang 10 a.m. at nakitang tila tulog si Dacera sa bathtub kaya kinumutan niya ito at natulog siyang muli.

Read also

Newbie actor, umalma sa akusasyong ginahasa niya si Christine Dacera

Ilang oras pa ang nakalipas, nagising ulit si Galido at nakitang kulay asul na ang balat ni Dacera at walang malay.

Dinala na si Dacera sa clinic ng hotel para mabigyan ng CPR ng security manager ng hotel na si Peter Paul Poningcos ngunit hindi pa rin ito nagka-malay kaya isinugod na siya sa Makati Medical Clinic, kung saan deklarado siyang dead on arrival.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Daniel Joseph Navalta avatar

Daniel Joseph Navalta