Newbie actor, umalma sa akusasyong ginahasa niya si Christine Dacera

Newbie actor, umalma sa akusasyong ginahasa niya si Christine Dacera

- Si Ali King ay nag-react sa ilang akusasyon online na isa raw siya sa diumano’y nang-gahasa kay Christine Angelica Dacera

- Ilang netizens ang nag-akusa kay Ali dahil lamang kasama siya ni Christine sa ilang TikTok videos nito

- Sumagot si Ali na imposible ito dahil malayo siya sa New Year party na pinuntahan ni Christine noong Enero 1

- Sinabi rin niyang gusto niya ring malaman ang buong katotohanan sa nangyari sa kanyang kaibigan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Ali King, isang newbie actor, ay nag-react sa ilang akusasyon online na isa raw siya sa diumano’y nang-gahasa sa pumanaw na flight attendant na si Christine Angelica Dacera.

Inakusahan siya ng ilang netizens kahit hindi naman siya kasama sa 11 na lalakeng kinasuhan ng PNP dahil lamang kasama siya ni Christine sa ilang TikTok videos nito.

Read also

Dacera family, emosyonal sa pagdating ng labi ni Christine sa General Santos

Newbie actor, umalma sa akusasyong ginahasa niya si Christine Dacera
Photo: Christine Dacera (@xtinedacera)
Source: Instagram

Ayon kay Ali, imposible ito dahil malayo siya sa New Year party na pinuntahan ni Christine noong Enero 1 kung saan siya binawian ng buhay.

Dagdag pa ni Ali, gusto niya ring malaman ang buong katotohanan sa nangyari sa kanyang kaibigan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

“Got these comments on Tiktok just because I’m friends with Tin Dacera and appeared in old TikTok videos with her. I love her and I was heartbroken to learn of her death.
“I was at home for the New Year and was nowhere near the hotel where she died yet people still managed to say these things to me.
“I hope we learn how to be responsible with what we say online and to educate ourselves first before making conclusions. #JusticeForChristineDacera,” sinabi ni Ali sa Twitter.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Celebs take swipe at police’s ‘lalaki pa rin’ comment on Dacera's friends

Si Christine Angelica Dacera ay nag-check in sa City Garden Hotel kasama ang kanyang mga kapwa cabin crew na sila Rommel Galido, Gregorio Angelo Rafael de Guzman, John Dela Serna, at pito pang iba lagpas hating gabi ng Enero 1.

Matapos ang kanilang New Year party sa nasabing hotel room, sinabi ni Galido na nagising siya ng 10 a.m. at nakitang tila tulog si Dacera sa bathtub kaya kinumutan niya ito at natulog siyang muli.

Ilang oras pa ang nakalipas, nagising ulit si Galido at nakitang kulay asul na ang balat ni Dacera at walang malay.

Dinala na si Dacera sa clinic ng hotel para mabigyan ng CPR ng security manager ng hotel na si Peter Paul Poningcos ngunit hindi pa rin ito nagka-malay kaya isinugod na siya sa Makati Medical Clinic, kung saan deklarado siyang dead on arrival.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel