Celebs take swipe at police officer’s ‘lalaki pa rin’ comment on Dacera case
- May dalawang artista na nag-post ukol sa sinabi ni Police Col. Harold Depositar ukol sa Christine Angelica Dacera case
- Ayon kay Depositar, posible pa rin daw na gahasain ng mga bading ang babae dahil daw “lalaki pa din sila”
- Sila Barbie Imperial at K Brosas ay nag-react nang pabiro sa kontrobersyal na pahayag na ito ni Depositar
- Pinuna na rin ng ilang LGBT groups ang sinabing ito ng Makati Chief of Police
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Ilang artista ang nag-react sa sinabi ni Police Col. Harold Depositar ukol sa Christine Angelica Dacera case.
Sinabi kasi ni Depositar na kahit mga miyembro ng LGBT community ang mga lalakeng kasama ni Dacera noong Enero 1, posible pa rin daw na ginahasa nila si Dacera dahil daw “lalaki pa din sila.”
“Lalaki pa din sila. May instinct 'yan and… you know, lalo na if you’re under the influence of intoxicating alcohol, and kung may presence of drugs pa — lalo na,” sinabi ni Depositar.
Dahil dito, si Barbie Imperial at K Brosas ay nag-react nang pabiro sa kontrobersyal na pahayag na ito ni Depositar.
Ito ay matapos punahin ng ilang LGBT groups ang sinabing ito ng Makati Chief of Police.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Narito ang pahayag ni Barbie at K Brosas sa isyu:
Barbie Imperial:
“PNP: Kahit bakla yan, kapag nakainom yan, nagiging lalake yan.
“Bakit yung mga kaibigan ko nagiging sexbomb girls? May kanya kanya pang sexbomb name”
K Brosas
“pnp— kahit bakla yan pag nakainom ng alak nagiging lalake yan!
“me— hoy ilang beses nako nalasing kasama mga beki, ilang beses na kaming nag spin the bottle ayaw nila ako i kiss shutanginamez!”
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Christine Angelica Dacera ay nag-check in sa City Garden Hotel kasama ang kanyang mga kapwa cabin crew na sila Rommel Galido, Gregorio Angelo Rafael de Guzman, John Dela Serna, at pito pang iba lagpas hating gabi ng Enero 1.
Matapos ang kanilang New Year party sa nasabing hotel room, sinabi ni Galido na nagising siya ng 10 a.m. at nakitang tila tulog si Dacera sa bathtub kaya kinumutan niya ito at natulog siyang muli.
Ilang oras pa ang nakalipas, nagising ulit si Galido at nakitang kulay asul na ang balat ni Dacera at walang malay.
Dinala na si Dacera sa clinic ng hotel para mabigyan ng CPR ng security manager ng hotel na si Peter Paul Poningcos ngunit hindi pa rin ito nagka-malay kaya isinugod na siya sa Makati Medical Clinic, kung saan deklarado siyang dead on arrival.
Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!
Source: KAMI.com.gh