OFW na 12 taon sa Saudi, piniling manatili sa Pilipinas para magnegosyo
- Isa na ngayong negosyante ang dating OFW sa Saudi na nanilbihan doon sa loob ng 12 taon
- Bagaman at mababait ang amo niya, hindi raw noon kalakihan ang kanyang sahod ngunit dinaan na lamang niya sa tiyaga
- Bukod sa negosyo, napaayos na rin niya ang kanilang tahanan at napagtapos niya ang isang anak habang ang isa ay nag-aaral pa
- Magsilbing inspirasyon daw sa marami ang kanyang karanasan nang sa ganoon ay makamit din ng mga ito ang kanilang mga pangarap
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Kahanga-hanga ang OFW na si Maria Basallote kung paano siya nanatili na lamang dito sa Pilipinas para magnegosyo at makasama pa ang dalawang mga anak.
Nalaman ng KAMI na 12 taon siya sa Saudi ngunit mas pinili pa rin niya ang umuwi at makipagsapalaran sa pagnenegosyo dito sa bansa.
Kwento ni Maria, bagaman at mabait ang kanyang mga amo ay nagsimula siyang maliit lamang ang sinasahod.
Dinaan niya lamang ito sa tiyaga lalo na at mayroon siyang mga anak na itinataguyod.
Sa loob din ng mahigit na isang dekada sa ibang bansa ay iisa lamang ang kanyang naging amo na magpasa-hanggang ngayon ay kinukumusta ang kanyang kalagayan.
Subalit mas matimbang pa rin siyempre sa kanya ang makapiling ang kanyang mga anak. Kaya naman dalawang taon na siyang pumipirmi sa bansa at wala na siyang balak na mag-abroad pa.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
"Payo ko lang po sa mga OFW na kung nakatagpo sila na mabait na amo at medyo mababa sahod pag tiisan nalang nila basta hindi sila ginugutom at sinasaktan.,"
"Share ko lang mga kabayan para maging inspirasyon niyo rin at di rin kayo panghinaan ng loob. Ganyan yung una ako nag-abroad. Bahay na talagang nakakaawa. Pero dahil may pangarap kahit mahirap tiniis ko lahat. Mga kabayan kahit paano magtira tayo ng sahod natin pangsarili. Huwag natin ubusin,ipadala sa Pinas. Kasi hindi habang buhay malakas tayo. Hindi na ako bumalik sa Saudi dito na lang ako nagnegosyo sa maliit na halaga ay napalago ko ito. At ngayon may mga tauhan na rin ako. Sana maging ganon din kayo kagaya ko. God bless mga kabayan," pahayag ni Maria.
Narito ang ilan sa mga larawan ng kanyang naipundar:
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Nakatutuwang isipin na dumarami na sa ating mga kababayang OFW ang nakapagpupundar na ng ari-arian mula sa kanilang pinaghihirapan sa pangingibang-bansa.
Isa na rito ang OFW na nakapagpatayo ng travel ang tours business niya na kanyang balak talagang payabungin.
Gayundin ang isa nating kababayan na kahit aminado na maliit ang sinasahod sa ibang bansa ay napagsumikapan pa rin niyang magpatayo ng sariling bahay.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh