Convo ng ninang at kumare nitong "namamasko" para sa kanyang anak, viral

Convo ng ninang at kumare nitong "namamasko" para sa kanyang anak, viral

- Nag-viral ang nakakagulat na paraan ng pamamasko ng isang ina sa ninang ng kanyang anak

- Ipinakita ng ninang ang naging text conversation nila ng ina ng kanyang inaanak na kahit tapos na ang Pasko ay tila nagpupumilit pa ring manghingi ng regalo para sa kanyang anak

- Ang masaklap, may nabitawang hindi magagandang salita ang kumare nang hindi na umano siya mapagbigyan ng ninang ng anak

- Ito pa umano ang nagalit nang umalma ang ninang dahil tila ang ina na ng bata ang humihingi sa kanya ng pamasko

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naging usap-usapan online ang viral post ni Arlene Pacho patungkol umano sa kumare niyang namamasko para sa anak nito.

Nalaman ng KAMI na paalala lamang daw ito ni Arlene na hindi raw dapat tularan ng ibang mga magulang kung saan hintayin dapat na kusang magbigay ang mga ninong at ninang ng mga anak.

Read also

Nag-viral na babaeng sinigawan pa ang nabundol niyang naka-bike, mas nag-sorry pa sa saksi

Taliwas kasi ito sa nangyari kung saan ipinakita niya ang naging takbo ng usapan ng kumare niyang kahit tapos na ang Kapaskuhan ay humihirit pa umano ng regalo para raw sa anak.

Convo ng ninang at kumare nitong "namamasko" para sa kanyang anak, viral
Photo from PxHere
Source: UGC

Pupunta raw sana ang kumare at inaanak sa bahay ni Arlene ngunit paliwanag nitong hindi raw siya roon nag-Pasko.

Subalit bumanat agad ang kumare na nag-seen umano ni Arlene ang kanyang mensahe ngunit hindi lamang daw ito nag-reply.

Nang malamang nasa bahay na ang ninang ng anak, pupuntahan pa sana ito agad ng kumare para raw mamasko ang bata.

Ngunit sinabi agad ni Arlene na wala pa umano siyang regalo sa bata at agad naman siyang sinagot ng kumare na marami na raw itong utang na regalo sa anak.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ipinaliwanag naman ng ninang na wala pa umano siyang budget subalit sinagot muli siya ng kumare na may bonus naman daw ito.

Read also

Vlogger, sinurpresa ng bagong CP ang karpintero niyang di pa nagkakaroon nito kailanman

Doon na napansin ng ninang na tila hindi na maganda ang itinatakbo ng usapan lalo na at tila pera na ang napag-uusapan.

Nang tuluyan nang hindi napagbigyan ni Arlene ang kumare, ito pa umano ang nagalit at nasabihan siyang dapat hindi na lamang kinuhang ninang ng kanyang anak.

Narito ang kabuuan ng kanilang usapan:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Pasko man o hindi, mas mabuti pa rin na makatanggap ng biyaya na bukal sa kalooban ng nagbigay at hindi dahil sa pinilit lamang sila o kaya naman ay hinihingi dahil sa pakiramdam nila'y isa itong obligasyon.

At kung hindi man mapagbigyan sa malaki man o maliit na kahilingan, matutong magpakumbaba lalo na at hindi naman natin alam ang lahat ng pinagdaraanan ng bawat isa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica