Vlogger, sinurpresa ng bagong CP ang karpintero niyang di pa nagkakaroon nito kailanman
- Binigyan ng vlogger na si Basel Manadil ng smartphone ang foreman ng kanyang pinagagawang bahay
- Wala raw kasi itong cellphone at nakikitext o tawag lamang sa kanyang gma kasamahan
- Humanga rin umano ito sa kasipagan ng mga karpinterong ito na hindi iniwan ang kanyang bahay dahil baka raw mayroong mawala lalo na at hindi pa raw na ayos ang mga pinto nito
- Laking pasasalamat ng karpintero lalo na at hindi pa raw talaga siya nagkakaroon ng sariling cellphone kailanman
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Umiral na naman ang kabutihan ng puso at pagiging matulungin ng vlogger na si Basel Manadil o mas kilala bilang si The Hungry Syrian Wanderer.
Nalaman ng KAMI na binigyan niya ng bagong smartphone ang foreman ng kanyang pinagagawang bahay dahil nagulat siyang wala raw itong ginagamit na cellphone.
Sa bisperas ng Bagong Taon, minabuti niyang surpresahin ang foreman at ilan pang karpintero na nanatili sa ginagawang bahay ni Basel imbis na umuwi sa kani-kanilang pamilya.
Ayon sa mabait at responsableng foreman, nangangamba siyang may mawala sa bahay ni Basel lalo na at hindi pa maayos ang mga pintuan nito.
Labis na humanga si Basel sa kabaitan at kasipagan ng foreman kaya naman naisipan niya itong bigyan ng regalo at ito nga ay ang cellphone.
Nagulat daw kasi noon ang vlogger nang malamang walang maibigay na contact number ang foreman at iyon ay dahil wala siyang sariling cellphone.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Nakikigamit lamang ito sa mga kasama niya sa trabaho upang makausap ang kanyang pamilya na nasa Caloocan.
Naluha ang foreman nang matanggap ang biyaya lalo at sinamahan din ito ni Basel ng tulong pinansyal.
Nabiyayaan din ang mga kasamang karpintero at dinalhan na rin sila ni Basel ng kanilang pagsasaluhan para sa media noche.
"While people are busy for New Year's eve, I make sure to give back. Let's not forget our Kababayan who are on duty during this time, Maraming Salamat po!" ang madamdaming pahayag sa video ni Basel bago ito magtapos.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Basel Manadil o mas kilala bilang si 'The Hungry Syrian Wanderer' ay sikat na vlogger na piniling manirahan sa ating bansa.
Kilala siya sa pagtulong niya sa mga Pinoy lalo na at itinuturing na niyang pangalawang tahanan ang Pilipinas. Bukod sa pagiging vlogger, isa ring restaurant owner si Basel na may-ari ng YOLO.
Isa sa mga natulungan ni Basel ang Korean na naglalako ng noodles sa gilid kalsada. Bukod sa mga tulong na kanyang binigay, tinawag pa niya itong 'abeoji' na ang ibig sabihin ay ama sa Korea.
Gayundin ang lolo na naglalako ng basahan kahit na siya raw ay tinamaan ng mild stroke. Sinadya pa talaga siya ni Basel sa Rizal kung saan siya naninirahan matapos na mag-viral ang video na nagpapakita ng hirap niya sa paglalakad habang naglalako sa Pasig City.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh