98-anyos na lolo na mala-pugad ng ibon ang tirahan, napatayuan ng maayos na bahay
- Natulungan ng Yarp Foundation ang isang lolo na kalunos-lunos ang kalagayan sa mala-pugad niyang tirahan
- Sa tulong din ng vlogger na si Archie Hilario, nadagdagan pa ng tulong ang matanda lalo na at napag-alaman nilang wala itong palikuran
- Isang mag-asawa na mula sa Amerika ang sumagot sa mga materyales ng pagpapagawa ng bahay ng lolo ngunit ayaw nilang sabihin pa ang kanilang pangalan
- Mababakas ang kasiyahan ng matanda sa mga biyayang natanggap at nagkaroon siya ng pag-asa sa buhay
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Isang 98-anyos na lolo sa Aklan na mala-pugad ng ibon ang tirahan ang natulungang magkaroon ng maayos na bahay.
Nalaman ng KAMI na isa ang vlogger na si Archie Hilario o mas kilala bilang si Pobreng Vlogger sa mga nagmalasakit na tulungan si Tatay Bonifacio.
Natagpuan ang lolo nang may mag-census sa Manggan Banga Aklan at doon natuklasan ang kalunos-lunos na kalagayan ng lolo.
Una nang sumugod ang YARP Foundation o Yolanda Aklan Reconstruction Program na siyang nagpapatayo na ng munting tahanan ni Tatay Bonifacio nang madatnan ito ng grupo ng vlogger.
Limitado lamang daw kasi ang budget ng foundation dala ng pandemya subalit minabuti pa rin nilang tulungan ang lolo upang may maayos itong tirahan at tulugan.
Kaya naman laking pasalamat ni Alicia Adams, ang isa sa mga founder ng YARP nang malamang tutulong din sa kanila ang grupo ng Pobreng Vlogger.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Isa kasi noon si Tatay Bonifacio sa mga nasalanta ng Bagyong Yolanda noon pang 2013 at mula noon ay ganoon na ang kanyang kalagayan.
Kaya naman, mababakas sa mukha niya ang saya na mayroong nagpaabot sa kanya ng tulong at nagkaroon siya ng pag-asa sa buhay.
Samantala, isang mag-asawa na tumatangkilik sa programa ni Archie ang sumagot sa mga materyales upang mapagawan ng maayos na palikuran si Tatay Bonifacio.
Nalaman kasi nilang wala pala itong CR bukod sa sira-sirang bahay na dati niyang tinitirahan.
Kaya naman sa pagsalubong niya sa taong 2021, mayroon na siyang maayos na masisilungan at mayroon din siyang pagkain sa kanyang hapag-kainan.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Archie Hilario ay isang vlogger sa Aklan na kilala sa pagtulong niya sa mga kababayan niyang naghihikahos sa buhay.
Marami nang natulungan ang kanyang grupo na mga kababayan niya sa Aklan lalo na iyong mga matatanda at walang maayos na tirahan.
Si Archie at ang kanyang mga kasama ang nagsisilbing instrumento upang makapangalap ng tulong na siyang ibinabahagi nila sa kapwa Pilipinong naghihikahos sa buhay.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh